Wednesday, March 4, 2009

daily dose of hydrogen sulfide

karaniwan nang tanawin dito sa qatar, in particular of ras laffan, ang mga flare stacks ng mga refineries. kaibahan lang nito sa mga ordinaryong chimney sa mga pabrika ay imbis na usok lang, may apoy din ito sa dulo. sinusunog kasi dito ang mga unwanted at flammable gases na nakukuha sa natural gas sa ilalim ng lupa pagkatapos dumaan sa refining process. isa sa mga common gases na sinusunog sa mga flare stacks ang gas na tulad ng hydrogen sulfide.

feeling ko nga kapag matagal pa akong nagtrabaho dito sa ras laffan eh maaga akong magkakasakit at mamamatay. kapag mahangin kasi, tulad ngayon dahil nagpapalit na ng panahon dito, imbis na pumunta sa langit ang singaw ng mga flares eh hinahangin ito pabalik sa lupa. at laging nalalanghap sarap ng mga nagtatrabaho sa mga construction facilities tulad dito.

pero alam nyo bang ang utot natin ay may taglay din na hydrogen sulfide or H2S? kaya kahit wala ka dito sa mga refineries eh kagaya mo rin akong nanganganib ang buhay. lalo kung paborito mong gawain ang pagkulong ng utot na kalalabas pa lang at mainit-init pa sa palad mo at biglang itatapat sa ilong mo at sisinghutin na parang rugby. kung hindi mo naman sinisinghot, ipupukol mo naman sa mukha ng katabi mo. makonsensya ka naman bay.

umamin na kayo. sa tanang buhay nyo eh nagawa nyo na rin itong pinagsasasabi ko dito.

19 comments:

The Gasoline Dude said...

Hindi ako ututin eh. Haha. = P

gillboard said...

hindi rin... pero madami akong kaibigan na ganyan... tas ipapaamoy samin...

p0kw4ng said...

hihihi..oo na aamin na!

ginawa ko na sa ex ko yan...umutot ako sa loob ng kumot tapos ipinasok ko ang mukha nya sa loob ng kumot,hihihi

malamang kaya hindi kami nagkatuluyan,buti na lang ginawa ko yun;))

X said...

may nagbato ng utot sa mukha ko dati.

sinapak ko kasi naman talagang nakakasulasok ang amoy.

madbong said...

hinde ah, saka kung ginawa ko man hinde ako aamin bwehehe

rolly said...

Classic yung pag magkakasama kaming magkakaibigan sa pagtulog e biglang sasabihin sayo na me magtago sa ilalim ng kumot at me ibubulong sayo, tas biglang uutot ng pagkabahu-baho! Nakupo, ang sarap bigwasan ang ulo ng gumagawa nyan. Wala ka namang magawa kundi tumulong sa pag-amoy at nang maubos agad ang baho. hehe

♥ChUcHAy♥ said...

hahahahaha

hindi naman akO ang my gawa ang mga kaberks kong walang magawa sa buhay...

uutot sila pagkatapos ipapaamoy sa amin kakakainis talaga!!!.....

azul said...

ahaha cgrado ako sa sarili kong hindi ko gawain yan...

jeck said...

pagsalo ng utot gamit ang mga palad. na-master ko na yan nung kabataan ko. haha
tapos ang masarap pa dyan e itapat mo sa bibig ng kapatid o kung sino mang kaibigan na pwede mong pagdiskitahan. walang labis, walang kulang -- langhap lahat. bwahahaha

BlogusVox said...

Sino rito ang nakapagpigil na hindi saluhin ang sariling utot at amuyin? Kahit minsan lang. Siguradong wala. Ang magsasabing hindi nya pa ito ginawa ay may kabag sa sikmura! : )

UtakMunggo said...

di nga? ayan may panglaban na ako sa mister kong walanghiya. pati sa harap ng grasya nagpapakawala ng masamang hangin eh, tapos maaamoy mo nalang. ampota nilalason na pala kami ng mga anak niya.

nagawa ko na yan, parekoy. magboypren pa lang kami ni sarge noon. pero di ko dinakip, dumaan ako sa harap niya at nagpasingaw. ayun, lumipad ang bangs ng ungas. ahihi

glesy the great said...

ahahaha.... kuya ko madalas gawin sakin yan.. sabi ko na nga ba ayaw nya talaga akong maging kapatid.. pinapatay na pala ako ni kumag... thanks for sharing simula ngayon gaganti na ako... ututan tayo.. cheers;p-glesy the great

a.r.d.y.e.y. said...

@insan gasul: kapag hindi daw ututin eh madalas naman kung dumighay. wahehe.

@gillboard: hindi mo pa natry? subukan mo once pare. ikaw rin.

@pokwang: kapag umutot din ako sa kumot, nawawala ang lamig. pwede nang matulog ng walang kumot. hahaha.

@x: hindi sya marunong tumayming eh. dapat binato nya ng malayo sayo. tapos sabay paypay para di mo sya maabutan. hahaha.

@madbong: humahaba ang ilong mo 'tol. hahaha.

@tito rolly: "ubusin ang amoy". naalala kong ginagawa ko yan kapag umutot ako sa elevator. nakakahiya kung pagsakay ng sasakay eh maabutan ang amoy. kaya inuubos ko na. hitit buga. hahaha.

@chuchay: lintik lang ang walang ganti. gumanti ka sister. hehehe.

@azul: subukan mo man lang bago maging huli ang lahat. (bigdeal eh noh?)

@insan jeck: si bachoinkchoink ginawa na yan minsan sakin. kala ko pinapatahimik ako yun pala may lamang utot ang mga kamay. bwahahaha!

@blogusvox: relax lang pards. sabi nilang di pa nila nagawa yun eh. pagbigyan mo na. hehehe.

@marekoy: mas masama pa rin ang epekto ng yosi kaysa sa utot. at least pagutot, may kasamang halakhakan na nagaganap. parang laughing gas lang. wag lang masosobrahan at nakakamatay. hahaha.

daddy ko ang master ututin samin. kaya masaya ang pamilya namin eh. hehehe.

@glesy: isang pang tip kung gusto mong walang kawala. tumapat ka sa likod ng elektik fan at itutok mo sa kapatid mo. hehehe.

Mari said...

sa chemistry class, nagluto akong iron at sulfur syempre nagsolidify nung alisin ko sa alcohol burner. eh sabi ng teacher namin hugasan ang test tube. pano ko mahuhugasan at matatanggal ang iron sulfide sa test tube? natakot ako. kaya nilagyan kong HCL yung iron sulfide. natunaw naman sya. kaya lang nag amoy-utot ang buong chem lab. :D

Panaderos said...

Mas matindi ang utot pag ilang araw nang hindi nagdidiskarga. Medyo kulob na sa loob e. Pag nilabas e puwede nang makamatay. Hehehe :D

Maldito said...

tawagin niyo na akong abnormal o killjoy pero indi ko pa nagawa yan..ahahhaa....at indi ko gagawin yan...

what if may kasamang matters ang lumabas kasama at utot mo tapos indi mo namalayan....tapos deresto mong pinahid sa mukha ng officemate mo?

dilemma di ba? wahahhaha

a.r.d.y.e.y. said...

@mari: ayun. salamat sa iyong patotoo na may sangkap talaga ng hydrogen sulfide ang utot natin. hehehe.

@panaderos: matindi talaga yun pards. kapag naburo na sa tiyan mo ang ebak, pagutot mo eh magkakamantsa na ang underwear. parang nicotine. hahaha!

@maldito: join the club pare. amuyin mo na rin. sabi naman sa kasabihan eh mabango ang sarili nating utot. nakakaadik pa nga minsan eh. hehehe.

watusiboy said...

haha, biglang napunta sa utot? ang mga arabo kaya ginagawa rin yan? parang mga pilipino lang ang gumagawa nyan no?

a.r.d.y.e.y. said...

@watusiboy: hula ko lahat eh nakagawa na nun.