naisip ko lang bigla, parang mas mahirap ang pagiging OFW habang patagal nang patagal ang panahon. habang tumatagal, lalong mahirap magpakalayo-layo. abril na kasi bukas, a third of the year will about to pass na parang wala man lang happening sa buhay. kung siguro 25 years from now at iisipin ko ang mga nangyari sa akin 25 years ago, trabaho at paghihintay ng sweldo lang siguro ang maaalala ko. lalo siguro kung bigyan na kami ng baby ni bachoinkchoink. nakupo, kayanin ko pa kayang mag-abroad mag-isa?
hindi katulad nung first time kong umalis ng bansa at mag-japayuki. binata. may halong excitement dahil first time kong maging independent at mamuhay mag-isa. may feeling of adventure dahil makakapunta ka sa ibang lugar na hindi gaanong napupuntahan ng iba. at siyempre ang pagkita ng mas mataas ng kaunti sa kinikita sa pilipinas.
bigla ko lang din naisip, kaya bang higupin ng pressurized na toilet bowl ng eroplano ang malagkit at sandamakmak na ebak? naalala ko lang kasi na minsang pinigil ko ang pag-ebak ko dahil sa takot na hindi ito mahigop. dyahi naman sa susunod na gagamit.
nagtatanong lang naman. malapit lapit na rin kasi ang aking 9-hour non-stop flight to manila.
Tuesday, March 31, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
di ko padin nasusubukan umebs sa plaine..takot din kasi ako baka di mahigop lahat..LOL..pero based on my experience, ung mga naunanng gumamit sakin medjo di nahihigop ni haring inidoro lahat kaya ang ginagawa ko lumipat sa banyo na MALINIS kesa masuka sa loob..
naexcite naman ako sa paguwi mo..buti ka pa..:(
ingat and happy trip!!
arjey, di pa ako nakakasakay ng eroplano e.. kaya di ko msagot ang tanong mo...
malapit ka ng umuwi...
may pasalubong ba? hehehe
buti na lang naisip mo ang katanungan na yan kuya..napahalagang malaman ang kasagutan jan..ahehe
di ko pa natry gumamit ng lavatory weh..kahit wiwi ayoko...ee wala lang po nagiinarte lang talaga ako..ahaha
alala ko tuloy na hindi rin ako dumudumi sa mga eroplano dahil dun sa tanung na yun... hahaha
pero dun sa post mo... siguro nga dahil wala naman akong significant other kaya ko pang umalis ng bansa ng mag-isa. Mahirap kasi yung alam mong may naiiwan.
"Life goes on, rah". Ganyan ang kapalaran ng mga OFW - ang mag sakripisyo para sa ikabubuti ng pamilya. Siguro nag pakasawa ka na rin noong buhay binata ka pa. Ibigay mo naman ito sa yung bochoinkchoink at chikiting. : )
alam ko lapit na uwi mo! pakisubukan nga kung mahihigop ba talaga lahat? pakisubukan na din yung ipa flush mo ng nakaupo ka pa kung talagang maiistak ang pwet mo don kasi nahigop o mali ang haka haka nila,hihihi
pakisubok ha!
nagawa ko na umebak sa eroplano...
sakto nagkaturbulence pa... isipin nyo na lang itsura ko ng mga oras na yon. :)
hint: nagpalit ako ng T-shirt after.
hehehe
Buti ka pa at may konsiderasyon ka sa susunod na gagamit ng takubets sa eroplano. Bad trip kasi pag iyong ibang pasahero ay may iniwang "souvenir" na medyo "matindi ang kapit" at kailangang-kailangan mo nang gumamit ng toilet.
Kailangang siguro i-request sa kubeta company na mag-hire ng engineer sa NASA para mas matindi ang higop. Medyo jet propulsion na yata ang kailangan para siguradong walang makakakapit nang husto. Hehehe :D
kaderder nga pag may naiwang submarine.
@lov, naranasan ko kasi na pinagpapawisan na ko ng malagkit kakapigil. kaya naitanong ko lang yun kung sakali mang di ko na kaya tiisin. hehehe. salamat. =D
@prinsesa, sige pag nakasakay ka na ng eroplano tignan mo agad ang cr at subukan mong iflush. tapos kwento mo sakin kung sa tingin mo ba eh kaya higupin ang malagkit na ebs. hehehe. pasalubong? magpapacanton ako.
@azul, baka magkasakit ka sa bato nyan iha. hehehe.
@gillboard, madali talagang umalis lalo kung single ka. mas mageenjoy ka pa. pero kung may maiwanan ka at lalo kung may anak ka na, mas mahirap im sure.
@blogusvox, tama, life goes on. kapag nakakaramdam ng homesickness eh huminga na lang ng malalim ang magbilang ng dollars. hehehe.
@pokwang, masarap sigurong iflush habang nakaupo ka pa ano? malamig ang simoy ng hangin. hehehe.
@taps, pag nagkaturbulence siguro eh tatalbog talbog yung ebs mo sa bowl, tipong humahalik halik sa pwet mo yung ebak mo ano? hahaha. =D
@panaderos, pag ako ang nagdesign ng eroplano, ang gagawin ko eh yung butas ng bowl eh derecho tapon sa labas ng eroplano. in that case, wala nang sasabitan pa ang ebs. baka kahit nasa tiyan mo pa lang eh kusa nang higupin ang ebs mo palabas. hahaha!
@mari, kapag ganon nga ang dinatnan ko sa kubeta, pigil muna ang paghinga hanggang makatapos. hehhehe.
indi ko pa na try yung sa plane..kahit sa barko lang naman...
indi ko alam...nakakatkot..aha ha ha..
welcome back parekoy! celebration!
sa barko siguro madali lang, kasi marami kang pagtataguan, saka pwedeng ibalot sa diyaryo at ihagis sa dagat. pagkain ng mga galunggong. hehehe.
Hahaha! Natawa ako sa tanong mo na 'yon tungkol sa toilet ng plane, ah. Sa tingin ko pwede nitong higupin ang kung ano man, basta hindi lang sobrang laki.
Sinubukan mo ba nu'ng nakasakay ka na pauwi ng Manila, bro? o",)
Post a Comment