Saturday, April 19, 2008

the clock is ticking quickly

tulad ng nabanggit ni batjay sa kanyang blog entry, ang buhay ng OFW na nakabakasyon sa pilipinas ay parang pelikulang pinapanood ng naka-fast forward. i agree. nararanasan ko rin ito ngayon. sa maikling panahon, pilit mong pinagkakasya ang mga bagay na kailangan at gusto mong gawin habang nasa pilipinas. halos araw araw ay weekend para sa akin. bawat araw may kailangang puntahan o ayusin, asikasuhin ang lablayf, makipagkita sa mga kaibigan, dumalaw sa mga kamag-anak, kainan ang mga masasarap kainan, at kahit anong maisip gawin na hindi ko na magagawa pag-alis ko ng bilabed pilipins. feeling ko, para akong papanaw na kailangang suliting ang bawat oras at minuto (katok katok).

sa case ko, meron akong isang buwan. and the clock is ticking quickly.

26 comments:

Anonymous said...

pasalubong! hahahahah :D

RJ said...

ferbert,

lika dito, come to papa. hahaha. =D

emotera said...

susulat ka ha??
at pag uwi pasalubong...:)

Panaderos said...

Maigsi talaga, Pards. Wika nga eh it's like living on borrowed time. Maigsi pa rin ang isang buwan para magawa mo ang lahat ng gusto mo.

Ingat and good luck.

Tinunuy said...

Have a good stay here kuya.

ayzprincess said...

rj, di ka pala taga pinas! hahaha.. wala lang, natwa lang ako :p

it was nice meeting you habang nasa pinas ka pa

Anonymous said...

saang bansa ka pala babalik?
syado nga kulang yung 1 month basta may pera pa pero pag ubos na parang gusto ko na balik agad..heh

rolly said...

isang buwan? Mabilis na lang yun. Kailangan rumampa ka na ng husto ngayon. Double time pa. hehe

The Gasoline Dude™ said...

Pucha Insan, nakaka-relate ako sa post na 'to! Been plannin' to post a similar one. Andami kseng realizations. Andaming risks involved. Haaayyy good luck na lang sa 'tin. = P

Tinatawagan pala kita kagabe di kita ma-contact.

RJ said...

emoterang nurse,

gustu mo ng cheeseburger pa den? hehehe

RJ said...

panaderos,

trulalu boss. para akong may taning at kailangan kong gawin ang aking 'bucket list'. hehehe. salamat. =D

RJ said...

ethyl alcohol,

salamat sa pagdaan ate. hehehe

RJ said...

ayz,

oo wala akong permanent address. hehehe. salamat. =D

RJ said...

islander,

post ko na lang next time ang susunod kong adventures (or misadventures), para may suspen (singular for suspense) hehe corny. =D

minsan kahit 2 weeks ang alloted vacation, 1 week pa lang parang gusto ko na umalis ulit kapag wala nang pera. hahaha.

RJ said...

tito rolly,

korek ka jan, lagareng-lagari nga ako sa kakalakad ngayon. sobrang lapit na nun, mamaya pag-gising ko, baka paalis na ko ulit. hehehe. =D

RJ said...

insan,

kaya natin to pare, astig ang mga tejada. =D

hindi mo ba ko makontak? nasa bulacan kasi ako baka mahina signal ng globe. hehehe sayang di ako nakasama sa inyo.

Anonymous said...

aalis na ang mga insans ko?! syet. sasama na rin ako sa inyo. hahaha!
alex, paano mag-aplay? dali! haha

RJ said...

jeck,

lika sama ka na. =D

lethalverses said...

huwaaat??? aalis ka?? e dapat inuman muna!

sayang, di ka sumama nung sabado..

Anonymous said...

sang country ka punta? good luck sa yo.

Anonymous said...

basta kung san ka man pumunta- ingatz!

RJ said...

lethalverses,

oo nga hindi ako nakasama sa EB nyo, hindi ko kayo nakitang mga 'makata brothers' hehehe. next time. =D

RJ said...

mari,

salamat. punta ko sa malayo. hehehe kwento ko next time. =D

RJ said...

coldman,

salamat pare.

Anonymous said...

saan ang punta after singapore parekoy? kala ko tapos na ang pagiging ofw mo di pa pala.

RJ said...

madbong,

tingin ko matagal pa bago ako tumigil, nagsisimula pa lang ako eh. =D