2005 - nagasaki, japan for 3 months
2006 - nagasaki, japan ulet for 3 months
at next month, ang susunod kong destinasyon ay ang qatar sa gitnang silangan. mixed emotions ang nararamdaman ko ngayong malapit na naman akong lumarga. eto ang ilan:
1. unang una, nalulungkot ako dahil iiwan ko na naman ang mga mahal ko sa buhay, ang aking pamilya, ang aking lablayf at mga kaibigan. sa totoo lang, hindi naman trabaho ang mahirap overseas, ang pinakamahirap ay yung pagka-homesick at pagka-miss sa mga naiwan sa pilipinas.
2. may konting saya rin dahil magkakaroon ng mga bago kaibigan. panibagong pakikisama sa mga taong makakasalamuha, mga kapwa ofw at mga iba't-ibang lahi na makakasama sa trabaho. pero ewan din, sa abroad ka rin kasi makakakita ng samut-saring ugali ng mga pinoy. makakakita ka rin ng mga kupaloids at mga gago. pero meron din namang makikitang mga friends to keep.
3. medyo kinakabahan din ako sa pupuntahan ko dahil mabibinyagan ako ng middle east experience, although hindi naman kasing lupit ng saudi ang qatar, kinakabahan pa rin ako sa tindi ng init ng summer doon. sa project site kasi ang assignment ko kaya hindi ako makakaiwas sa sikat ng araw. hanggang september yata ang summer doon. sabi nila, iba daw ang init sa middle east. gaano nga ba kainit ang mainit?
4. excited dahil first time ko rin magkaroon ng employer na puti, sa dating trabaho ko kasi, japanese ang amo ko. sa singapore lang naiba dahil singaporean ang amo. sa japanese kasi, pukpukan kung magpatrabaho, susulitin talaga ang binabayad sayo hangga't maaari. maikukumpara ko na siguro kung ano ang pagkakaiba na ang amo ay american at japanese.
5. masaya naman ako sa compensation na ibibigay sa akin. kailangan ko kasi ng pambayad sa hinuhulugan kong sasakyan na hindi ko naman masasakyan dahil nasa abroad ako. hehehe at kahit papano, makakauwi ako twice a year. 6 months work at 2 weeks off kasi ang rotation kaya thankful na rin ako.