Tuesday, March 31, 2009

obladi, oblada

naisip ko lang bigla, parang mas mahirap ang pagiging OFW habang patagal nang patagal ang panahon. habang tumatagal, lalong mahirap magpakalayo-layo. abril na kasi bukas, a third of the year will about to pass na parang wala man lang happening sa buhay. kung siguro 25 years from now at iisipin ko ang mga nangyari sa akin 25 years ago, trabaho at paghihintay ng sweldo lang siguro ang maaalala ko. lalo siguro kung bigyan na kami ng baby ni bachoinkchoink. nakupo, kayanin ko pa kayang mag-abroad mag-isa?

hindi katulad nung first time kong umalis ng bansa at mag-japayuki. binata. may halong excitement dahil first time kong maging independent at mamuhay mag-isa. may feeling of adventure dahil makakapunta ka sa ibang lugar na hindi gaanong napupuntahan ng iba. at siyempre ang pagkita ng mas mataas ng kaunti sa kinikita sa pilipinas.

bigla ko lang din naisip, kaya bang higupin ng pressurized na toilet bowl ng eroplano ang malagkit at sandamakmak na ebak? naalala ko lang kasi na minsang pinigil ko ang pag-ebak ko dahil sa takot na hindi ito mahigop. dyahi naman sa susunod na gagamit.

nagtatanong lang naman. malapit lapit na rin kasi ang aking 9-hour non-stop flight to manila.

Thursday, March 26, 2009

if the rain comes they run and hide their heads

nakakatamad ang panahon dito sa qatar ngayon. nung isang gabi pa kasi maulan at buong araw makulimlim. sabi nila, abnormal na daw talaga ang klima. hindi naman daw kasi tumatagal ang ulan dito sa qatar. ang sarap tuloy ng tulog ko kagabi habang naririnig ang mga patak ng ulan sa bubong.

memorable sakin ang ulan lalo noong batang uhugin pa lang ako. pag nagbabadya kasi ang malakas ng ulan o bagyo, isa lang ang sigurado. babaha sa lugar namin. mababa kasi ang lugar namin dati. para kaming nasa embudo. kung babaha sa kalye namin, sa amin ang pinakamalalim. minsan ngang naasar ang mommy sa akin dahil nung makita kong pataas na ang tubig sa kalsada, tuwang tuwa pa kong binabalita sa kanya.

bakit ako masaya? tuwing huhupa kasi ang baha, merong mga naliligaw na maliit na mga gurame sa mga kanal. tuwang tuwa kaming maligo sa tubig baha habang nakikipaghabulan sa mga isda at ang mahuli namin eh kinukulong sa maliit na garapon.

nung highschool naman ako, kapag uuwi na ko at inabutan kong baha ang lugar namin, no choice ako kundi lusungin ang baha na hanggang baywang para lang makauwi. palapit ng palapit, palalim ng palalim. kaya kapag inabutan na ng malamig na baha ang brief ko, kinikilig ako. nakakakiliti kasi. haylabit.

sarap lang magreminisce tuwing umuulan. natutukso na naman tuloy akong magsick-leave.

Monday, March 23, 2009

a.r.d.y.e.y.t.o.l.o.g.y. 1st anniversary special

.
.this summer of 2009
.
.a.r.d.y.e.y.t.o.l.o.g.y. cinema productions
.
.gives you the most anticipated event of the year
.
.coming soon in all theaters near you
.




photo credits: www.richardbuan.com

Thursday, March 19, 2009

show them to me

isang country song ang LSS ko ngayon. ito ay ang show them to me ni rodney carrington. paborito ko ang kantang ito. masarap kasi kantahin kasabay ng gitara. pareho lang siguro kami ng trip ni pareng rodney.
* * *

Oh it seems to me this whole world's gone crazy
There's too much hate and killin goin on
But when I see the bare chest of a woman
My worrys and my problems are all gone
No one thinks of fightin, when they see a topless girl
Baby if you would show yours too, we could save the world

Show them to me, show them to me
Unclasp your bra and set those puppies free
They'd look a whole lot better without that sweater baby I'm sure you'll agree
If you got, two fun bags,
Show them to me

I don't care if they don't match or ones bigger than the other
You could show me one, and I'll imagine the other
Even if you're really old, theres nothing wrong
Don't be sad your boobs ain't bad, they're just a little long

Show them to me, show them to me
Lift up your shirt and let the whole world see
Just disrobe, show your globes and a happy man I'll be
If you got, dos chichi's,
Show them to me

I've met a lot of them, but never one I've hated
Even if you've had thirteen kids and you think they look deflated
Theres no such thing as a bad breast, I believe this much is true
If you're a big fat man I'm a titty fan and I'd love to see yours toooo

Show them to me, show them to me
Just like the girls gone wild on T.V.
Just lean back and show your rack and I'll be in ecstasy
If you got two casabas
Show them to me

All the world will live in harmony
It'll do you good, it'll give me wood, we'll make history
If you love your country, I'm gonna say it one more time,
I said if you love your country yea
Then stand your ass up and show them big old titties to me

Thursday, March 12, 2009

let me go home

because i am so fucking homesick.

133 days and counting. this has been the longest time that me and my beautiful bachoinkchoink are apart. i am so excited to go home already, but that's still a month and a half from now. i am missing you very much. everyday i dream of being at the airport's arrival section and to see you waving and your beaming face smiling at me.

this is the effect of homesickness to me. i talk english.

Wednesday, March 4, 2009

daily dose of hydrogen sulfide

karaniwan nang tanawin dito sa qatar, in particular of ras laffan, ang mga flare stacks ng mga refineries. kaibahan lang nito sa mga ordinaryong chimney sa mga pabrika ay imbis na usok lang, may apoy din ito sa dulo. sinusunog kasi dito ang mga unwanted at flammable gases na nakukuha sa natural gas sa ilalim ng lupa pagkatapos dumaan sa refining process. isa sa mga common gases na sinusunog sa mga flare stacks ang gas na tulad ng hydrogen sulfide.

feeling ko nga kapag matagal pa akong nagtrabaho dito sa ras laffan eh maaga akong magkakasakit at mamamatay. kapag mahangin kasi, tulad ngayon dahil nagpapalit na ng panahon dito, imbis na pumunta sa langit ang singaw ng mga flares eh hinahangin ito pabalik sa lupa. at laging nalalanghap sarap ng mga nagtatrabaho sa mga construction facilities tulad dito.

pero alam nyo bang ang utot natin ay may taglay din na hydrogen sulfide or H2S? kaya kahit wala ka dito sa mga refineries eh kagaya mo rin akong nanganganib ang buhay. lalo kung paborito mong gawain ang pagkulong ng utot na kalalabas pa lang at mainit-init pa sa palad mo at biglang itatapat sa ilong mo at sisinghutin na parang rugby. kung hindi mo naman sinisinghot, ipupukol mo naman sa mukha ng katabi mo. makonsensya ka naman bay.

umamin na kayo. sa tanang buhay nyo eh nagawa nyo na rin itong pinagsasasabi ko dito.