Thursday, April 10, 2008

say 'aaaaaaah!'

nagpunta ako kanina sa arguelles medical clinic sa manila para kumuha ng medical examination para sa pagprocess ng papers ko papuntang qatar. kinuhanan ako ng dugo, sample ng stool at urine, optical test, psycho test, physical test (yung ibababa ang brip at tutuwad at paghihiwalayin ang magkabilang pisngi ng pwet para makita ni dok ang iyong asshole) at dental checkup.


pero ang pinaka-nakapandidiri lang sa clinic na yun ay yung dental checkup nila. bakit ika nyo? eh pano ba naman kasi, yung dental mirror eh hindi man lang punasan o hugasan pagkatapos isuksok sa kung kani-kaninong bibig! ipinapatong lang nila ito sa isang tray na may telang basa ng alkohol. pero kahit na, mahirap bang punasan yun kada pasyenteng susubuan nila noon? kahit hindi naman idinidikit ng destist yun sa mismong loob ng bibig, may pagkakataon na hindi sinasadya na madikit yun sa dila o inner part ng pisngi di ba?

ukinam! eh nadikit na nga sakin eh! imbis na makatulong ang pagpapamedical para malaman kung meron kang sakit eh dun pala mismo sa clinic ikaw pwedeng magkaron ng sakit. imaginin mo na lang kung gaano karaming tao pram-ol-woks-op-layp ang nagpapamedical dun araw-araw.

hindi ko alam kung maarte lang ako. pero nakakadiri lang talaga. parang gusto kong tawagan si tulfo or mang enrikez or ang 'eks-sex-sex'. sa susunod, bibili na lang ako ng sarili kong dental mirror at dadalhin ko kapag nagpamedical ako.

30 comments:

chroneicon said...
This comment has been removed by the author.
chroneicon said...

kailangan talagang detalyado pagdating sa physical test. haha!

Anonymous said...

WAAAAH.
As in? di talaga hinugasan?
shetdapwet. ako, particular rin ako sa dental mirror na yan. talagang ipapalublob ko sa mainit na tubig sa dentist ko bago niya ipasok sa bibig ko. SUMBONG MO! aja! :)

Coldman said...

kakadiri nga yun, sana sinabi mong malinis ba yan? lol

Anonymous said...

gandang umaga jan sir, naligaw po dito galing sa blog ni hometown boy. sana sinabi nyo dun sa dental (lin)teknologist, dok gaganda naman ng mga balloons sa dental mirror o. so sasabihin nya ha? anong balloons? tapos sasabihin mo, ayan o, daming balloons nung mga mikrobyo nagpaparty jan sa dental mirror mo!

Anonymous said...

ay kadiri talaga yan! saan yang dentist na iyan? standards procedure na dapat sterilized ang gamit kada pasyente.

Panaderos said...

Dapat isara iyang clinic na iyan! Salawla!!

Anonymous said...

kung ganyan din naman ang mangyayari sa kin eh isasara ko ang bibig ko at lalawayan ko yung dental mirror. haha. malas na yung susunod sa akin. pack sheet. haha

punta ka ba sa launching ng second book ni unkyel batjay?
baka magkita tayo dun. hehe

RJ said...

@chroneicon, sanay na nga ako eh. madami nang nakakita ng aking pinakatatago-tago.

@trishie, yun ang nakita ko kasi, walang hugas hugas kasi madaming nakapilang aplikante.

RJ said...

@coldman, hindi na ko nakapagsalita kasi nung ibinalik nya sa lalagyan eh tapos nang isubo sa kin. ukinam!

@bambit, magandang umaga din po. salamat at naligaw kayo sa aking blog. tama ka, linteknologist nga sila. hehehe. ingat!

RJ said...

@mari, hello! sa arguelles medical center iyon, kanto ng osmena hiway at zobel roxas malapit sa makati. one-stop clinic kasi iyon, doon nagpupunta ang mga aplikante galing sa ibat-ibang agency sa manila, kaya mass-medical ang nangyayari. mabilisan lang.

@panaderos, ang dugyot na talaga ng pilipinas bossing. minsan naisip ko na umalis na lang dito, kalimutan ang lahat, lumayo uwowoooh! haleluya! =)

RJ said...

insang jeck,

hanggat maaari nga ayokong magpapadental check kasabay ng medical exam sa ganyang mga center. meron naman akong sariling dentist.

malamang magkita tayo sa lauching ni sir batjay. pipilitin ko talaga. baka maligaw lang ako kasi di pa ko nakakapunta don. hehehe. kita tayo kung sakali insan. ingat!

ipanema said...

oh my! dapat i-reklamo yang dentist na yan. sus, nahalo na lahat ng laway noh?

pray na ok yung medical mo lalo na yung dental.

The Gasoline Dude™ said...

Mga Pinsan! Kitakits sa book launching ni Batjay! Pupunta ako! Woot woot! = P

(Hehe sorry off-topic. Na-excite lang. Haha.)

RJ said...

ipanema,

salamat. ok na yung medical ko. medyo lagpas lang ako ng konti sa timbang kaya diet daw ng konti. hehe.

RJ said...

kashing gasoline dude,

sa wari ko ay makakapunta nga ako. kapag nahanap ko ng maayos ang fully booked. gudlak. hahaha. punta tayo ebribadi! =D

Anonymous said...

shuckkzz...dapat pagsabihan mo yun pero maya na pag makuha mo na ang result baka ibagsak ka..hehh

Kuya Fuji said...

di kaya ginagamit din nila yung salamin na yon para mag-examin ng pwet,kapag di nila masilip yung butas? Dios ko po! huwag naman po sana.

RJ said...

islander,

oo nga eh, ayoko rin mag-iskandalo baka magkaleche-leche ang medical ko.

pero nakuha ko na yung results, okay naman, kaso natatamad naman ako magreklamo. =D

RJ said...

kuya fuji!

salamat sa pagbisita, kung magkalapit nga lang ang kyubikol ng physical at dental examination eh magdududa na ko. hehe.

rolly said...

just had mine done. nakakahiya yung pag test ng hemorrhoid no? ikaw pa mismo ang magbubuka ng pisngi mo na para kang isang porno queen na naglaladlad ng hiyas. Buti na lang at lalaki yung doctor namin.

At higit sa lahat, buti na lang at maayos ang clinic namin sa office. Kadiri nga yun.

Salamat sa pagbisita sa site ko at pag comment ha. Good luck sa byahe mo.

Lyzius said...

oist uliteg, me tama ka dun... yang mga dental mirror na yan at me isa pa..yung ginagamit nilang pansipsip ng laway kapag nagpapasta ka o cleaning ng ipen... di ako sure kung pinapalitan nila yung isinasabit na yun sa bunganga...

RJ said...

tito rolly,

(makiki-tito na rin. hehe) buti nga at pwet lang ang tinignan, wala nang "weighing-of-the-betlog-through-fingers". hehehe.

nakita kita kanina sa book launch ni unkyel, kaso nahiya akong lapitan ka kasi kasama mo mga fellow damers. hehe saka hindi ko pa nakikita yung comment mo sa blog ko, baka hindi mo ako kilala kapag inapproach kita. next time. =D

RJ said...

de lyzius,

ipinapaubaya ko na sa aking dentista ang ganyang bagay. yan ang tinatawag na faith. hehehe. pero kung sa mga medical center lang na dagsa ang mga aplikante eh no thanks na lang.

salamat sa pagbisita. =D

chroneicon said...

ikaw nga ba si darkblak?!

RJ said...

chroneicon,

at sino naman si darkblack?? hahaha!

Anonymous said...

ako si darkblak... bat ako napasama dito? hehehe

RJ said...

darkblak,

akala kasi ni chroneicon na ikaw ako, at ako ikaw. hehehe. buti naligaw ka. hehe =D

Anonymous said...

dpat na lang kc pag kailangan ng medical ng mga agency apllicante n lang pili ng kung san sya physical test na accrideted nman ng POEA para hindi sila nag sisiksikan dyan.saka possible din na magka palitpalit ang mga result ng PE pag ganyan ka dami diba

RJ said...

@anonymous: maganda yang suggestion mo. negosyo kasi iyan. may porsyento ang agency kapag lahat ng applicant nila eh dun sa clinic na yun pupunta. maganda nga sana kung kahit saan mo gusto magpatingin basta accredited, at least makakapili ka.

salamat sa pagbisita. di ka man lang nagpakilala. hehehe.