kung ako ay isang kriminal at bibitayin na ko bukas, pwedeng ito na lang ang aking hilingin na huling pagkain. solb na ko dito.
ito ang ulam ko kanina na niluto ng nanay: pinakbet (talong, kalabasa, kangkong, sitaw, ampalaya at 'taba-laman' ng baboy) with matching piniritong malutong na galunggong. may kasama pang extra-bagoong for additional eating pleasure. samahan mo pa ng kanin na buhaghag at lagok ng malamig na malamig na coke.
aaaah alam ko na!
magpapakamatay na lang ako sa kakakain bago ako mabitay.
16 comments:
Ang sarap ng pinakbet!! Oo, mabuti pa ngang matepok sa kakachibog kaysa hintayin mo pang mabitay ka. At least, sa kabusugan eh nakangiti ka pag natepok ka. Pag bitay, hindi. Nakangiwi lang. Bad trip sa picture taking. :)
sarap talaga bossing. sa sobrang sarap ng kain ko eh hindi ko na alam kung busog na ba ko o kulang pa.
kung merong 'matepok sa kabusugan' na hatol sa kriminal eh malamang riot na ang buong pilipins. hehe
sarap naman. penge ah! ay nakain mo na nga pala haha!
oo pards wala na sya. ebak na sya ngayon. next time. hehe
haha. ang aga-aga ginugutom ako ng post. pucha, ang sarap. ilan din yan sa mga paborito kong ulam, lalo na pag mainit-init pa ang kanin. haha
salamat sa pagdaan sa blog ko at link, add din kita. hehe
teka nga pala, san ang probinsya mo? lam mo bang TEJADA ang middle name ko. taga-bikol kami. hehe. wala lang. lolz
ang dami namang 'Tejada' yung middle name ng readers mo. sarap naman nung niluto ni nanay naglaway din ako. kailan ang balik sa singapore? anu nga pala job mo dun?
jeck,
wahaha! naglitawan na ang mga pininsan ko! hehe
probinsya? wish ko nga sana meron eh. kaso wala. hehehe ang mga kamaganakan ng tatay at nanay ko eh sa navotas lang.
i find bikolanos as mababait at masasarap kasama. 2 close friends ko dati ay mga bikolano.
madbong,
nakakatuwa kapag may nakikilala kang kapareho ng pangalan. potential kamaganak. hehe
hindi na ko babalik ng singapore (as of now) dahil tapos na talaga ang stint ko doon. short-term lang kasi, kwento ko na lang later sa posts kung baket. i work there as piping designer.
nampucha! nagugutom ako tuloy habang binabasa ang malupit na description ng pinakbet...
salamat sa masarap na pinakbet kahit sa picture lang.
Hirap na hirap na kong mag-diet! Panira ka Insan! Gutom na ko! Hahaha! = P
lethalverses,
ur welkam. =)
gasoline dude,
hindi lang diet ang malilimutan mo kapag natikman mo ang pakbet ng nanay, pati pangalan mo limot mo na. hehehe
inggit ako, sarap niyan! basta wag lang sosobrahan. =)
huwaw! paborito ko ang pakbet with matching prito!
ang dami mong kanin ha. :)
coldman,
sobrahan saan sir? sa kanin o sa ulam? hehehe. masama naman talaga ang sobra. pero dahil sa sarap, masama-in na ko kung mamasama-in. =D
mari,
ewan ko pero madami talaga ako magkanin. i cant live without rice. hehe. salamat sa pagbisita. =D
Post a Comment