Monday, April 14, 2008

rev.02: 'batang kaning lamig' is in town!

nakita ko na sya. nakita na nya ako. nagkita na kami! yehey!

kaninang 3pm sa fullybooked, bonifacio high street sa daport, dumating ang 'singkit-pero-kutis-betlog-na-middle-aged-pero-kyut-pa-rin-na-book-author-slash-OFW-slash-engineer-slash-ex-macho dancer", mr. batjay himself. ito ay dahil sa book launch ng pangalawa nyang libro na pinamagatang "mga kwento ng batang kaning lamig".

R&B: RJ and Batjay at his book launch. salamat ng madami kay ayz for this pic. =D

nanggaling pa ako ng bulacan dahil sinundo ko pa ang aking soon-to-be-misis na si carol para magpasama. so bulacan to taguig, malayo-layo yon ha. dumating kami sa venue ng 2pm, dahil sa pagka-excited, nakaramdam ako ng pagka-jebs. oo xerex, nag-iwan ako ng souvenir ko sa daport. buti na lang, maayos at malinis ang kubeta. pagkatapos kong maghasik ng lagim, nag-ikot-ikot muna kami sa book store.

before 3pm, he arrives. suot ang brown spiderman tshirt, jeans and brown shoes. picture taking dito, picture taking doon. sayang nga lang at hindi nya kasama si mam jet.

i've also spotted tito rolly, na nakaupo kasama ang mga dati nilang classmates sa notre. gusto ko sanang batiin si tito rolly kaso naunahan ako ng hiya. hehehe. hindi pa kasi ako kilala ni tito rolly, pero paguwi ko sa bahay, nakita kong may comment na pala sya sa blog ko.

nagkita rin kami ni insang gasdude, binati ko sya pagkatapos nyang magbayad sa cashier ng book. nakilala ko rin si ayz, isa rin sa mga masugid na taga-subaybay ni batjay, at mga dating klasmeyt ni batjay na fellow mapuans, sila ms. helen at si... si... (ikaw po ate, yung may mister na national president ng psme, at nanggaling na ng dubai at gustong magpunta sa russia! sorry po, im such a sucker remembering names! =P). at pati na rin si mr. paul santos, fellow notre damer.


insang gasdude at ang antuking nognog. salamat sa sa'yo insan for this pic at pati yung nasa ibaba. =D


after magpa-otograp, picture muna, kahit baligtad ang book. hehehe. eto ang payo nya sa otograp: "mag-ingat sa mandurukot, at huwag maglalandi. nagmamahal, unkyel batjay". magkasing tangkad lang kami, partida lang kasi wala akong buhok. =D
pagkatapos magpa-otograp, kinailangan na naming umalis dahil may iba pa kaming dapat mapuntahan. paalis na kami nang dumating naman ang isa ko pang insan, si jeck! sa pagmamadali, nakalimutan ko nang magpa-kodak! sayang, wala tuloy tayong kodak na magkakasama parang tito, vic and joey. hehehe. next time pards.

overall, naging successful naman ang book launch. nag-enjoy ako meeting new friends. balita ko may libreng pakain daw, pero hindi ko na inabutan. hehehe.
nice meeting you, pareng batjay! more power to you!


45 comments:

Anonymous said...

hey rj! nice meeting you! meron kang pic saken, yung sanyo ni kuya jay, panu ko send sayo? :p

Anonymous said...

buti ka pa nakapunta. ang alam mo may free food nga daw.

Anonymous said...

cool links. nice blog too...

Panaderos said...

Oks na oks, Pards! You've met the master. :)

Anonymous said...

hahaha! nice meeting you insan. hayaan mo, may next time pa para sa kodakan. hindi ka pala nakakain. haha. si alex insan, nakailang balik sa pagkain eh. haha!

sama ka na sa 19! hehe

RJ said...

ayz,

nice meeting you too. pakisend na lang sa email ko: tejada.robertjohn@gmail.com, meron din kayong pic ni tj kaso wala pa sakin yung camera ko. send ko rin sayo kapag nadownload ko na. hehehe.

salamat. =D

RJ said...

mari,

sana nagpunta ka din. madami din ang tao kahapon. hehehe. =D

RJ said...

paolo,

thanks for visiting. =D

RJ said...

panaderos,

oo nga eh, nastar-struck nga ako nung una eh. hahaha. =D

RJ said...

jeck,

sayang nga at kailangan ko nang umalis agad. hindi tuloy tayo nakapagbonding ng matagal-tagal. hehehe may nektaym pa naman siguro.

ipanema said...

mas may advantage ka huh? kilala mo sila pero di ka nila kilala pa. :)

at least nakapunta ka at nakita mo iba pang bloggers. that's nice.

hey, na update ko na links ko. thanks again. :)

RJ said...

ipanema,

nahihiya nga ako kahapon eh. matagal tagal na akong hindi nakikipag-aybol. hehehe.

salamat sa link. =)

Anonymous said...

ang dami palang bloggers na pumunta. sayang at di tayo nagkakila-kilala. nandon din ako, kasama yung ibang taga blogkadahan.com.

my first time here, pero syempre babalik ulit ako. add kita sa links ko.:-)

RJ said...

hi apol,

salamat at naligaw ka sa site ko, na-add na din kita sa links ko. =D

sayang nga at hindi tayo nagkakila-kilala. kapag ang pagtitipon ay presided ng ultimeyt blogger, syempre puro bloggers din ang nandoon. hehehe.

pero siguro nagkita nga tayo kahapon sa mata. =D

lethalverses said...

ayyy bakit hindi nyo ko sinama???!

haha ang galing ng pagkwento mo dude, freeflow pero malupit! idoL!

RJ said...

lethalverses,

di ba magkasama na kayo ni insang gasdude sa anawangin nung weekend? hindi ka ba niyaya? hahaha. salamat. =D

emotera said...

na add na kita sa link ko sa kwentong kababaihan... tnx... :)

RJ said...

emoterang nurse,

salamat. =D

rolly said...

ikaw pala yun. Hindi ko kasi alam mukha mo kasi konti lang pinakita mo sa profile mo eh. hehehe
sayang, hindi mo ko kinausap. HIndi naman ako suplado sa personal eh.

Correction,hindi ako taga notre dame although, muntik na kasi nung taga Tugatog, Malabon pa kami, yung usual na puntahan ng mga kaeskwela kong lalaki sa La Consolacion School sa Caloocan eh sa Notre Dame. Kaso, lumipat na kami ng Marikina kaya ayun, napunta ako ng Mapua sa high school. hndi ako dun nagtapos, though and that is a totally different story. hehe

Ang mga kasama ko nun eh mga kasamahan ko sa blogkada na sina apol, nick and his officemate na si Laine na blogger din at syempre pa, Ajay.

sa susunod na lang hane.

RJ said...

tito rolly,

hala! mali pala ako. ang akala ko kasi isa ka sa mga sinasabi ni sir batjay na mga kaklase nya since kinder. saka may itinuturo sya sakin na teacher from notre sa may pwesto nyo, kaya ayderporkongklud na taga-notre ka. hehehe

grupo ng blogkada pala kayo doon. hayaan nyo, sa susunod 'walanghiya' na. hehehe. =D

ayzprincess said...

waw! nakahyper link ako! hahahah.. apir!

ayzprincess said...

oo nga pala.. mas madaming peechurs si alex.. pero di pa sya nagpopost. hingi ka sa kanya.. may pic ka din ata dun e :D

RJ said...

ayz,

naisend na nya sa kin at narevise ko na ulit ang post ko. hehehe.

The Gasoline Dude™ said...

Bukas ko na isusulat ang ating adventure with Mr. Batjay himself sa blog ko. Masyadong maraming nangyayare sa buhay ko eh isa isa lang muna mahina ang kalaban. Hahaha! = P

Magaling ka ngang magsulat, Insan. Bihira yan sa isang engineer. Isa kang talentado. TALENTADO!!! = D

RJ said...

gasdude,

sige aabangan namin iyang post mo tungkol sa book launch. balita ko sinulit mo daw yung binayad mong php120 sa pagkain eh. hahaha. sayang hindi ako umabot.

TALENTADO ka rin! namuka! hahaha biro lang. =D

lethalverses said...

pareho lang kayong TALENTADONG maginsan!!!! bwahahahaha....

oi pahiram naman ako ng book, pero mas ok sana if ibibili nyo ko hehehe...

Coldman said...

avid reader din ako sa blog ni kuya batjay! at umuwi pala sya!

kakaiba yung bumanat! =)

RJ said...

lethalverses,

walang problema, bigyan mo ko ng php220 ibibili kita. hahaha. pamasahe yung php100. =D

RJ said...

coldman,

pagkagaling nya ng airport, derecho na agad sya sa book launch. bukas ata ang balik sa estets.

mas astig siguro kung sa inuman kasama si boss batjay. sa boses, muka at tawa palang eh nakakahawa na. hehehe.

The Gasoline Dude™ said...

Insan, me bloggers' meet-up daw sa Pasig kasama si Batjay tonight? Alam mo yung details? Hehehe lurker mode! Hahaha! = P

RJ said...

gasdude,

ang alam ko sila tito rolly ang imi-meet nya, mga members ng blogkadahan.

The Gasoline Dude™ said...

Ah ok si Jeck kse nagsabi. Haha ka YM ko sya ngayon. Gusto din atang mag-lurk. Hehehe. = D

Anonymous said...

hmmpp..buti pa kayo dyan may mga ganyang event.

RJ said...

insan gasdude,

nakakalurkey kayo ha. hehehe. =D

RJ said...

islander,

nagkataon nga lang na nakabakasyon ako ngayon kaya nakasama ako sa book launch. hehehe. =D

Anonymous said...

ang galing-galing naman nakita niyo na ng personal si ginoong batjay!

bulitas said...

nakakatuwa po ang inyong blog sir.
at astig!
nakamayan niyo na at mepictire pa kau ni ginoong batjay!

RJ said...

iamsamjuan,

para lang akong nakipagkita sa kaibigan, matagal na rin kasi akong tagasubaybay. hehehe. salamat sa pagdaan. =D

RJ said...

bulitas,

salamat sa pagbisita parekoy. sana nakapunta ka rin. =D

Maru said...

homaygad! buti pa kayo na mit nyo na si idol batjay! sayang hindi ko mapapirmahan sa kanya yung unang book nya.

nga pla, maraming salamat at nakitawa ka sa blog ko. cute u ha! lols! (lumandi pa)

Anonymous said...

maru,

okey lang yon meron pa naman next time tyak. hehehe. salamat. =D

ToxicEyeliner said...

naka naman ansasaya niong nagkita-kita kasama pa si batjay! woot! hey, i'll add u to my blogroll a =) nice posts kc =D

batjay said...

pare,

maraming salamat sa pagdalo sa booklaunch. nakita na rin kita sa wakas.

sana nga, sa susunod ay makapag kwentuhan tayo ng mas matagal kasama ng mga kaibigan natin online. matutuwa kayo sa sense of humor ni tito rolly pag nagkataon. gawin natin ito siguro sa susunod kong pag dalaw sa pilipinas.

pabalik na ako ngayon kay jet sa california, punong puno ng masasayang ala-ala ng aking munting pagbisita.

ingat schoolmate.
jay

PS - si chuh yung kasama ni helen. councilwoman siya sa makati kaya dapat huwag mong kalimutan ang pangalan niya.

RJ said...

toxiceyeliner,

salamat. next time sama ka na rin. sige add din kita sa blogroll ko. =D

RJ said...

boss batjay,

salamat sa pagsilip sa aking blog. i am looking forward doon sa next time. hehehe. have a safe and sound trip. keep in touch.

PS:
naalala ko na, hindi ko nga pala natanong kay ms. chuh noon ang name nya. hehehe now i know. salamat. =D