Tuesday, November 16, 2010

13 reasons

13 reasons kung bakit mas gusto ko manood ng boxing kapag foreign commentators ang telecast particularly HBO. galing ito sa TFC pay per view telecast ng pacquiao-margarito fight:

1. tolentino: "at eto po, an estimated crowd of 70,000 people dito po sa cowboy stadium, arlington, texas. yes, texas, dahil dalawang panabong po na slugger ang ihahatid sa inyo."

2.tolentino: "sa daming titulo ni manny pacquiao iisipin mo, beauty queen. hindi po, boxing king."

3. tolentino: "yung mga suntok ni manny hindi mo alam kung saan nanggagaling eh! luzon, visayas, mindanao!" (wowowee!)

4. tolentino: "the tijuana tornado is about to exit the philippine area of responsibility!" (meganon?!)

5. tolentino: "and look at the way he pivot away from any resbak punches ni margarito!"

6. tolentino: "ang lupet ano po? hindi ng round girl ha, kundi ng ipinapakita ni manny pacquiao!"

7. tolentino: "eto ang sinasabi ko na peso-dollar ang palitan! ano ba ngayon? 42 is to 1? 43 is to 1?" (referring to the volume of punches of pacquiao to margarito)

8. tolentino: "at pati cameraman nahihilo na rin sa dami ng suntok ni manny pacquiao!"

9. nathaniels: "congressmansaludoakosayo!!!"

10. tolentino: "ang reperi! wala pa rin! dedma pa rin!"
nathaniels: "anobayan?!" (tonong bading)
tolentino: "eh double dead na! botcha na si margarito eh!" (botcha amft)

11. tolentino: "ano bang gusto ng reperi?! mabulag si margarito?!"

12. tolentino: "mga kababayan, eto po. walang personalan! buntalan lang!"

13. tolentino: "triple B! battered! bruised! bugbug!" (bwakanginang korni)

Saturday, November 13, 2010

naisip ko lang

eh ano kaya kung unti-unting ipinusta ng pilipinas ang utang nitong mga dolyar sa tuwing may laban si pacquiao sa amerika, siguro bayad na tayo sa mga utang natin sa ibang bansa.

ano nga kaya?

Monday, November 8, 2010

childhood longganisa

may kaibigan na galing bakasyon at nagdala ng longganisang lucban dito sa qatar galing pinas. ang sarap tuloy ng kain namin.

at tuwing nakakakita ako ng longganisa, naaalala ko ang aking kabataan.


naaalala ko kasi ang mga panahong supot pa ko.

galing dito ang supot longganisa picture.

Thursday, November 4, 2010