noong elementary ako, lagi kong gawain bago pumasok at pagkalabas ng school ang tumaya sa pabunot sa mga nasa bangketa; mga sisiw na mukhang galing sa poultry ni dennis rodman dahil iba iba ang kulay, itik, brand new gameboy (na nakalagay sa supot ng yelo, mukhang pinaglumaan na sa dugyot), mini-portable electric fan, pambura etc etc.
iba ibang pakulo; merong bubunot ka ng papel at babasain mo sa tubig para makita mo yung nakasulat na chalk kung check or ekis (oo minsan nandaya na ako. meron na akong naka-ready na papel sa kamay pagdukot), merong bubunot ka sa isang banig ng tiket at makikita kung panalo ka o hindi, merong pinball style na takang taka ka kung bakit sa trial eh lagi ka nananalo, pero sa actual, laging naiipit ang bola sa mga pako. etc etc.
wala akong natatandaang nanalo ako sa mga raket ng mga manong at manang nung bata pa ko. ang dami ko na rin sigurong naipatalo. at least, nakatulong ako sa hanap buhay nila. nakatulong ako sa pagpapalaki ng mga anak nila. tangina.
kung mababasa nga ng mommy ko ang blog ko na to, malalaman nyang hindi sa masusustansyang pagkain ang binibili ko sa school. dito sa mga ito napupunta.
pero kagabi, nanalo ako sa wakas. wala pang taya, walang puhunan. maganda lang siguro ang hula sakin ng horoscope kagabi.