kakakuha lang ng aking maganda/buntis kong asawa ng full video ng aming kasal sa
softshots, ang nagcover ng event, sa baliuag. dati pa ready ang video pero ngayon lang niya nakuha dahil laging masama ang pakiramdam nya gawa ng naglilihi pa siya nitong mga nakaraang linggo. buti na lang to the rescue ang daddy at mommy at sila na ang nagpunta ng baliuag, ipapa-copy pa kasi ito para mapanood ng mga lolo at lola ko na hindi nakapunta sa kasal namin. hirap na kasi silang bumiyahe, kaya sabi ko na lang sa kanila abangan na lang nila ng live sa channel 2 ang kasal namin. ewan ko lang kung tinotoo nila.

isa sa highlights ng wedding namin ay ang
first dance. we were doing a traditional slow dance nang masira ang music at magmix
into the way i are, courtesy pa rin ni twin brother. doon nagsimula ang semi-showdown namin ni bachoinkchoink sa paghataw ng damoves. pero ang asawa ko lang naman talaga ang humataw, nagpatawa lang ako. hehehe.
kung hindi magplay ang video sa ibaba, pwedeng
magpunta doon sa malaking screen ng mercury sa may quiapo i-click
dito.
maraming salamat kay joel pangilinan aka
mr. scooby. siya ang gumawa ng
sde (same day edit) namin na still showing pa rin kung pindutin nyo yung picture diyan sa gilid. meron siyang post tungkol sa wedding namin
dito at
dito. ang galing nyo, sir! good job! magrerequest pa nga sana ako na baka pupwede pang i-edit, magsingit lang ako ng bed scene. hehehe.
regards na rin sa wedding crew ng softshots. we had fun and had a very comfortable time with these cool guys taking our photos and videos. sa uulitin, mga sir. salamat. cheers!