ganito ang itsura ko noong unang panahon. pagkatapos ng graduation nung college, board exam at paghahanap ng unang trabaho, meron pa kong buhok. mukhang virgin. 5 years ago na pala yun. ang bilis ng panahon. tutsangnangyan.
pagkatapos kong makahanap ng trabaho, napagdesisyunan ko nang magpakalbo. masarap kasi pag kalbo, instant ayos. pagkatapos maligo, punasan lang ng tuwalya okey na. tipid pa sa shampoo at gel. kapag pinagpapawisan, walang dikit ng dikit sa noo na nakakasura.
medyo manipis kasi ang tubo ng buhok ko. naiinis ako noon dahil tuwing sasakay ako sa likuran ng tricycle at pakanan ang hati ng buhok ko, nagiging pakaliwa pagkababa ko.
5 taon straight ganito ang hairdo ko. medyo nakakasawa na nga. lumipas na ang f4 at ang mga emo, ganito pa rin ang buhok ko. hindi ko nga mapagbigyan ang request sakin ng asawa ko na magpahaba ng buhok dahil lalong halatang numipis na ang buhok ko kapag mahaba. gusto nyong ma-imagine? ganito.
Saturday, June 13, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
Huh! o",) Ganu'n ba?! 'di nga.
Dati pala ang buhok mo kasing haba ng kay Smeagol, ngayon kasing nipis na pala ng kay Gollum! Hindi kaya dahil rin sa singsing 'yan?
[Sa buong buhay ko 'di ko pa naranasang magpa-kalbo; pero nasa bloodline namin ang maging kalbo kahit na nasa late 20's or early 30's pa lang! Fortunately hindi pa nagsisimula sa akin.]
parang gusto ko na rin tuloy magpakalbo... pero bago ko gawin yan.. maglonghair muna ako... di pa ako nagpapahaba ng buhok ng matagal sa isang buwan.. hehehe
"Hindi kaya dahil rin sa singsing 'yan"
LOL! okay yung comment ni RJ ah. Ganyan di ako noon. Makapal at maitim ang buhok. Nung mag-asawa na ako, unti-unting nalalagas at dumadami ang puti. : )
Bakit? nakakaubos ba ng buhok ang asawa? lolz
mas bagay naman sayo ang kalbo. or baka biased ako. i've always found it cute na semi-kal ang mga guys. hehe. i hate long haired guys.
Tinanong ko minsan ang lab ko kung bagay sa akin magpakalbo. Sabi niya hindi. Kaya ayun, hindi ko pa rin nasusubukan.
Kaya ko naisip minsan magpakalbo eh kasi asar na asar na ako sa istilo ng buhok ko.
hmmm...so kung sakaling ganun na nga kanipis ang buhok mo pag pinahaba anu mas gusto mo?yung kalat kalat o nakakumpol lang?ahehe
@RJ, dahil sa singsing? dahil sa sabunot siguro. ahehehe.
@gillboard, oo magpahaba ka muna ng buhok. para pag kinalbo mo, ramdam mo ng todo ang kaibahan. hehehe.
@blogusvox, so sa tingin mo nga dahil sa kapangyarihan ng singsing yun? hahaha. tingin ko hindi na ko aabutan ng pagputi ng buhok. hehehe.
@klet, kahit kalbo, masarap kapag may asawang humihimas sa ulo. hehehe. salamat sa pagdaan. =D
@antuken, kaya no choice ako kundi magpakalbo. buti na lang bilog ang ulo ko at bagay naman. medyo nakakasawa nga lang. hehehe.
@panaderos, ang mga mylab naman natin ang masusunod kung ano ang gusto nilang look natin. sa case ko, hindi nya ako mapilit magpahaba. hehehe.
@azul, yung isang tumpok na lang. parang sa mga chinese movies na mga ninja lang. hehehe.
mura nga sa shampoo, napatagal ka naman sa paghihilamos. Yan din ang naranasan ko eh. At pag Ash wednesday, ang daming abo na mailalagay sayo, diba?
@tito rolly, tumagal ang paghihilamos dahil sa dami ng abo na mailalagay tuwing ash wednesday? hahaha bago yon ah! =D
baka sawa ng kakahawak si bachoinkchoink sa tenga mo kaya pinagpapahaba ka na ng buhok...hihihi
cute naman ang semi kalbo ah...
wise decision talagang magpakalbo, parekoy.
si sarge nung nagsimulang magpakalbo eh parang lalong gumwapo sa aking paningin. ewan ko ba, parang napakamanyak niyang tingnan kapag walang buhok. hihi
hindi pa ako nakakita ng kaibigang nagpakalbo na hindi binagayan. totoo yan.
@pokwang, wala na siyang masabunutan. hehehe. ok naman ako sa kalbo, medyo nakakasawa lang. i need a change.
@marekoy, so ang mga tipo mo pala ay yung medyo may pagkamanyak at bastos. ganun din siguro ang tipo ng misis ko, kasi medyo ganun din ako eh. wahehehe. =D
bagay ka sa kalbo na haircut..ha ha ha.pero Ok din naman siguro pag ginaya mo hairstyle ni gollum!ha ha ha.dito ko nalang ipopost comment ko na supposed to be last week pa noong nag back read ako.
maldito, o di ba solb ang problema? hehehe. sana meron nang maimbento na totoong fertilizer ng anit.
Post a Comment