Friday, June 26, 2009

undisputed king of pop

namatay na pala si michael jackson. sayang. ang aga niyang namatay. walang nag-aakala na mawawala na siya agad. dala na rin siguro sa sobrang pag-iisip sa mga kinasangkutang kaso at kontrobersiya.

sinong makakalimot sa kanya? im sure, wala. magiging timeless din ang kanyang mga kanta at iniwang legacy sa music industry. parang si john lennon, hindi ko na siya inabot dahil 1980 siya namatay pero beatles pa rin ang paulit ulit na tumutugtog sa ipod ko. ganon din siguro ang magiging susunod na generation, buhay pa rin sa kanila si michael jackson.

august 29, 1958 - june 25, 2009

pasensya na, kasalanan ko ba kung siya yung naaalala ko kapag nakikita ko yung mga sayaw ni jacko.

6 comments:

gillboard said...

alala ko rin si mj dahil kay rene... sa pido dida ba yun? o ibang movie? hehe...

rest in peace Michael Jackson

Panaderos said...

Kahit si Rene ay maaga ring kinuha. Kawawa naman. Sana ay hindi siya malimutan ng ating mga kababayan.

Nakaka-bad trip din talaga kung iisipin na maagang nawala sina MJ at si John Lennon. Sana iyong mga demonyo na lang sa mundo ang kunin nang maaga para maging mas mapayapa ang mundo.

BlogusVox said...

Hindi ka i-invite ng pamilya nun para mag deliver ng huling pagpupugay. Kahit "solemn" ang okasyun, puro kalokohan ang nasa isip mo. : )

RJ said...

@gillboard, michael and madonna yun pare. with manilyn reynes. hahaha.

@panaderos, idol ko rin si rene requiestas pards, hindi ko rin siya makakalimutan.

kapag nakakarinig ako ng salitang demonyo, pulitiko kagad ang naiisip ko. sana sila na lang ang hindi tumatagal.

@blogusvox, actually takot naman talaga ako sa mga lamay. takot ako tumingin sa patay. eh lalo na. alam mo na. hehehe.

madbong said...

cheetae, ganda lalake talaga ahehe

Bachoinkchoink said...

Patahimikin na ang mga namayapa na. tsk! tsk!