Monday, January 12, 2009

remembering four years ago

ngayon ang aming 4th year anniversary ni bachoinkchoink. ibig sabihin, apat na taon na mula noong nagumpisa kaming maglaro ng taguan-reyp (pag hindi mo ko nakita, nasa likod lang ako ng piano ha?).

ang bilis ng panahon. bago pa lang ako sa unang pinasukan kong kumpanya sa makati nang mamataan ko ang maputi, singkit, chubby, 5-footer at kyut na kyut na babaeng pumukaw ng aking pansin. araw araw pakiramdam ko ay para pa rin akong highschool na kinikilig dahil minsan nakakasabay ko siya sa mrt papasok at papauwi, sinusulyap sulyapan sa opisina at nagiisip ng paraan kung papaano mapapansin. siya ang aking excitement kaya ako sinisipag pumasok sa opisina, para lumandi.

naging close lang kami noong maging magkagrupo kami sa gagawin naming presentation para sa christmas party. batas kasi sa kumpanya namin na ang mga baguhan ng taon na yon ay siyang magpeperform ng number sa party. inshort, kami ang magbibigay kasiyahan habang ang mga seniors ay naglalasingan na. demmet. nagbunga naman ang pinaggagawa namin dahil kami ang nakakuha ng 1st prize noon. kaming dalawa kasi ni bachoinkchoink ang front runner ng grupo. nakaka/kiliti remix kasi ang sinayaw namin. nagbihis nino mulach na action star siya, britney spears naman ako. alang-alang sa pogi points.

nagtapat ako sa kanya noong pasko 2004. hinanap ko magisa ang bahay nila sa bulacan sa tulong ng pinadrowing kong mapa na magulo sa kaibigan nya. nagdala ako ng flowers at pizza (na kinulang dahil andami pala nilang nakatira doon). wag daw muna akong umasa dahil magulo pa ang isip nya. in-short, umuwi ako sa aming luhaan.

pumasok ang bagong taon 2005 pero ganon pa rin naman kami. parang wala lang nangyari. pero sabay pa rin kami umuuwi, kumakain paminsan minsan at nagkukwentuhan habang nagtatrabaho. kaya sa tingin ko ay hindi naman talaga ako binasted. siyempre pangit naman kung oo agad ang sagot nya, kaya naiintindihan ko siya kung magpakipot muna ng kaunti. ahohohoy! ang tibay!

pero sa isang relasyon, hindi mo mawawari at mapre-predict kung kailan ang moment na sasagutin ka na ng dinidigahan mo. laging biglaan. sa case ko, sumakay lang kami ng mrt sa ayala station. pagdating ng shaw, magkahawak na ang kamay namin hanggang makarating ng north avenue. naging kami na. wala nang usap usap dahil parang nakasinghot ng katol ang pakiramdam. ngiting adik.

at kahit magkalayo kami sa araw na ito, siya ang palagi kong nasa isip. tuwing nakikita ko siya o tinitignan ko ang pictures namin, naiisip kong crush ko pa rin sita tulad nung una kaming magkita. kaya nga paborito kong kantahin ang suntok sa buwan.

maganda kong asawa, alam kong madami akong shortcomings to you. babawi na lang ako sayo paguwi ko, and that's 3 and a half months from now. maglalaro pa rin tayo ng taguan-reyp. aylabyusomats. tsup.

17 comments:

rolly said...

yang pagliligawan ang pinaka enjoy sa relationship. Yun tipong nagpapakiramdaman pa kayo at talaga namang wala ka nang inintindi pa kundi kung ano ang gagawin mo pag kasama mo na siya.

Congratulations on your fourth anniversary. At the rate your going, mukhang aabot pa kayo ng
50th o higit pa.

Anonymous said...

ganun pala yun. hehe sumbong kita kay mami

Anonymous said...

happy 4th anniversary sa inyo kuya!

sana nga pag-uwi mo, walang gamit ang bahay at konti lang ang sulok para hindi ka mahirapan sa taguan....... at makailang round pa kayo...

hahaha!!!

god bless!!!

Anonymous said...

naman so sweet dyey! ingget ako! happy anniversary sa inyo ha! weeeeeeee!

Anonymous said...

kinilig ako dun ah! nung nabasa ko yung suntok sa buwan, nanayo yung balahibo ko. haha. yan din ang kanta ko kay atty e. hihi. nakakarelate ako sa kwento mo kasi dati rin kaming magkaopisina. yikeee. tsaka yung walang sabi sabing kayo na, yung bigla nyo na lang mararamdaman na mahal nyo na pala ang isa't isa. da best. happy anniv! :)

yAnaH said...

ang chuwit-chuwit naman...

happy anniversary sa inyo... more years to come..

laki pala ng role ng MRT sa lovestory nyo.. ahihihihi

gillboard said...

Happy 4th year anniv niyo!!!

Gud lak na lang sa larong taguan-reyp ninyo pagbalik mo... lolz

UtakMunggo said...

*gigols*

at talaga namang napa-gigols ako sa post mong ito parekoy.

aba, three months ++ to go nalang at may taguan-reyp na mangyayari. haha.. sos, makakalaya na ang mga kaong. (kaong nga ba, o hollowblocks na, parekoy?)

happy anniversary sa inyong mag-asawa. nakikicelebrate ako sa inyong kasiyahan. :)

Rio said...

kakakilig naman ang lab istori na ito lalo na ang MRTpart...sana naitago nyo po yung mrt card para may remembrance kau..hehe

happy anniversary sa inyong dalawa..

Anonymous said...

Happy Anniversary! Ang ganda naman ng istorya niyo. Nakakatakot lang iyong bahagi na pina-imagine mo sa amin na naka-Britney Spears kang costume! Bwahahahaha!!

Biro lang, Pards. Congratulations uli to you and kay Misis. :)

RJ said...

@rolly: korek ka jan tito rolly. napakasarap ng pakiramdam kapag nagkakapaan pa lang kayo, ng pakiramdam. hehehe. thank you. magdilang anghel ka sana. =D

@bishi: ano naman ang isusumbong mo ha?

@jhaynee: kahit naman may kagamitan sa bahay eh pwede kahit ilang round. "nandito naman ako sa likod ng ref...yuhooo!" hahaha. salamat. =D

@PM: san ka inggit? sa britney spears kong costume? hahaha! =D

@insan jeck: marami talagang love story ang nabubuo sa makati. mga nakakahanap ng bagong love team kapag nagtrabaho na. kaya halos magkaparehas din tayo ng tinakbo ng story. goodluck din sa inyo ni atty. =D thanks!

@yanah: hindi lang puro kamanyakan stories ang nabubuo sa mrt, meron ding love story. hahaha. salamat. =D

@gillboard: salamat pre. naghahanap pa nga kami ng sasali samin eh. ahahaha! =D

@marekoy: sobra naman kung hollowblocks na, matigas at nagpupulbos na yun dahil di nagagamit. hahaha. sagana naman ito sa lotion kahit papano kaya ok na ang kaong. hahahah! salamat. =D

@rio: hindi na namin siguro naitago ang ticket dahil one-trip ticket lang siguro yun dahil wala kaming pera pambili ng tig-100. hahaha! saka hindi na namin naisip yun, lutang na eh. hehehe salamat sa pagdaan. balik ka ulit. =D

@panaderos: salamat pards. pero tama ka, nakakatakot naman talaga. hahaha! kita pa ang tiyan kong puno ng 'karug' at halos nakabrip na lang din ako nun. hahaha! =D

Anonymous said...

Sa totoo lang kasubuan na yon. Pareho kaming nakatayo dahil medyo siksikan. Pag lumiliko ang tren parang matutumba ako dahil antaas taas ng kapitan sa gitna ng tren. Yun tipong stretch na stretch na ang siko ko. Totoo pala ang kasabihang "Ang taong nagigipit kahit sa patalim kumakapit."

UtakMunggo said...

nag-explain si bachoinkchoink! haha

RJ said...

ang kyut kyut mo talaga! hehehe. tama ka sa patalim ka nga kumapit, matulis daw kasi ako eh. huwahehehe. labyu.

RJ said...

@marekoy: dont worry nasa korte na yan, nagdemanda na ko ng libel. hahaha! =D

Anonymous said...

Sarap alalahanin nung mga panahon na ligawan pa. Parang hindi nakukumpleto ang araw pag hindi kayo nagkikita o kaya nakakapagusap... tapos meron din kaba....sakay kilig factor....LOLs

Happy Anniversary sa inyo !!!

RJ said...

@ah kong: parang kanta ng TVJ: "pero paglipas ng isang taon, isang ngiti na lang buong taon" hahaha! salamat!