nagpunta ang team namin sa doha kaninang umaga para sa opening ng PBLQ dito. sumali ang company namin sa corporate division kung saan 7 teams/companies ang maglalaban sa eliminations every friday.
kami agad ang unang game. kalaban namin ang ctjv wildcats. takbo rito, takbo roon. nagbunga rin naman ang mahigit dalawang buwan naming pagpa-practice. dahil pagkatapos ng 40 minutes of action, tinambakan kami ng 18 points. kitamo, kung hindi kami nagpapractice eh baka singkuwenta pa ang itinambak nila sa amin. now that's positive thinking.
sa totoo lang, mahina talaga ang team namin. kung papogian lang sana ang labanan eh meron siguro kaming panalo. kaso kulang kami sa malaki. meron lang kami ay naglalakihang tiyan. pati titi maliit din. kaya nga nakaka-ilang ang ipinangalan sa team namin na dream team. kapag nalaman ko nga kung sino ang may pakana ng pangalan na ganon, cho-chokeslamin ko. dreamers pwede pa.
we are just happy to be there. kumbaga, experience lang talaga ang habol namin. tama na nga, dami ko pang paliwanag.
Friday, February 27, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
16 comments:
okay lang yan... sabi mo nga, experience lang kelangan niyo... laro lang ng laro... eventually mananalo din kayo... hehehe
Hahaha! Pero in pernes Insan, ang aastig ng mga porma niyo sa pic ah. Wala sa hitsura niyo ang natatambakan ng kuwarenta puntos. *LOLz*
Hahaha! Pero in pernes Insan, ang aastig ng mga porma niyo sa pic ah. Wala sa hitsura niyo ang natatambakan ng kuwarenta puntos. *LOLz*
ahihihihihihi iba poh talaga ang nagagawa ng kulay red noh? pumopogi ang karakter nyahahahaha
gulak naman poh sa basketball games nyo...break your leg este break a leg pala.. hahahaha
hahahaha..talo kayu? nako naman...kung nagsabi ka sana e di sana bumuo kami ng chering squad..sos ka!
cge lang...pasalamt nalang kayu may uniform kayu..remembrance..wahahahaha..
O tingnan mo nga naman. Kumpleto uniporme may jacket pa at ballcap. Sino'ng mag-aakala na "filler" lang ang team nyo. Huwag kang mag-alala arjay. Sa tingin ko sa "Awarding Ceremony" meron din kayong matatangap - "Best in Uniform" award!!
sayang lang pinang-pondo sa uniform nyo! hehe
at least masaya di ba...
paliitin na lang tayo ng titi oh..laban ba kayo..ha? ha?!!
ganyan dapat ang sigaw mo pa natatalo na kayo,hihihi
yung team nila papa dati ganyan din..naku siguradong may award din keo...
SPORTMANSHIP AWARD..hehe
piz po!
ok lang matalo basta walang daya. hehe. mas maganda na maging dreamer kesa walang dream diba? hehe
ayus.
oo nga. hindi naman kami husgado para magpaliwanag ka. ahihi
@gillboard: siguro kapag nakatapat kami ng team na pang-mosquito division eh mananalo naman kami.
@insan gasul: oo nga eh. kahit papano makabawi man lang sa porma. tambakan na nga eh purdoy pa ang japorms. hehehe.
@yanah: ganda nga ng kulay. parang ginebra lang. hehehe.
@maldito: nung nakuha ko nga yun uniform eh parang ayoko na maglaro. hehehe. jok jok.
@blogusvox: nagdilang anghel ka pards, best in uniform nga kami. pakunsweldo. hahaha.
@bishi: baka paguwi ko nga maging pambahay lang to ni daddy eh. hahaha.
@x: yon ang habol don. experience.
@pokwang: akala ko ikaw ang sisigaw non. duda na talaga ko sayo. hahaha!
@bloociadow: salamat sa pagdaan! ok lang matalo, pogi naman. hehehe.
@bioniclugaw: dream lang ng dream. magigising din kami sa katotohanan. wahehe.
@marekoy: and you're back! akala ko kasi nasa presinto ako eh. hehehe.
Good luck sa team niyo, Pards! Buti na lang at malaki ang aking ba.. ba... bangus na kinakaliskisan ngayon. :D
@panaderos: masarap nga yan. pero mas gusto ko ngayon ang TI... TI... tinapa lalo't may sawsawang BA..bagoong. hehehe.
Post a Comment