Friday, February 27, 2009

keep on dreaming

nagpunta ang team namin sa doha kaninang umaga para sa opening ng PBLQ dito. sumali ang company namin sa corporate division kung saan 7 teams/companies ang maglalaban sa eliminations every friday.

kami agad ang unang game. kalaban namin ang ctjv wildcats. takbo rito, takbo roon. nagbunga rin naman ang mahigit dalawang buwan naming pagpa-practice. dahil pagkatapos ng 40 minutes of action, tinambakan kami ng 18 points. kitamo, kung hindi kami nagpapractice eh baka singkuwenta pa ang itinambak nila sa amin. now that's positive thinking.

sa totoo lang, mahina talaga ang team namin. kung papogian lang sana ang labanan eh meron siguro kaming panalo. kaso kulang kami sa malaki. meron lang kami ay naglalakihang tiyan. pati titi maliit din. kaya nga nakaka-ilang ang ipinangalan sa team namin na dream team. kapag nalaman ko nga kung sino ang may pakana ng pangalan na ganon, cho-chokeslamin ko. dreamers pwede pa.

we are just happy to be there. kumbaga, experience lang talaga ang habol namin. tama na nga, dami ko pang paliwanag.

Monday, February 23, 2009

lamesang mala-bulbol

ang pagiging organized ng isang tao ay kadalasang sumasalamin sa mga pwede nyang marating sa buhay. kadalasan, ang mga taong organized ay maayos ang takbo ng career, natutupad ang mga pinapangarap at umaasenso sa buhay.

at dahil kapanahunan nga pala ng edsa sa pilipinas ngayon, mukhang kailangan ko ng pagbabago. ano sa tingin mo?



wala kasi si bachoinkchoink ko dito eh. kaya walang nagpapaalala saking mag ayos-ayos naman ng gamit. kunsabagay, kung nandito siya malamang mas makalat pa dito ang mesa ko. [insert tawa-ni-romy-diaz here]

Sunday, February 15, 2009

ang kuratcho

kung merong mga tao na mas gusto ang walang ginagawa sa trabaho, meron din namang gustong gusto ang busy at madaming ginagawa tulad ko. sa kagaya ko kasing hobby na ang magbilang ng araw para sa susunod na bakasyon, at maghintay ng payslip buwan buwan, very helpful ang pagiging occupied sa trabaho para bumilis ang pagsikat at paglubog ng araw.

tulad ngayon, ang bilis ng oras. biruin mong 66 days na lang pala eh uuwi na ko ulit.

daig ko pa nga si kuratcha. dahil ako, ihi lang ang pahinga.


"duwag talaga ako, kaya h'wag nyo na akong paharapin..." - ardyey

Monday, February 9, 2009

no family, no entry

ang ras laffan ay nasa north ng qatar, kung saan makikita ang pangatlo sa pinakamalaking gas reserves sa buong mundo. kaya dito rin makikita ang mga kabi-kabilang refineries na parang magkakapit-bahay lang na mga malls. isa't kalahating oras ang biyahe sa bus kung pupunta ka ng doha.

sa buong 9 months na pagtira ko dito sa qatar, wala pa kong ibang napupuntahan kundi ang city center sa doha. at pumupunta lang ako doon kapag naubusan na ko ng grocery supplies tulad ng toothpaste, lotion, chocolates, lotion, at ilang konting kagamitan (lotion etc etc). bumababa rin ako ng city center kung trip kong kumain sa resto or fast food chain at kumain ng lotion burgers.

pero hindi ako makapunta ng city center tuwing day-off ko ng friday dahil may batas dito sa qatar na ang friday ay family day. meaning, ang mga may kababaihan o mga lalaking kasama ang partner o pamilya lang ang pupwedeng makapasok sa mga malls. kung lalaki ka at mag-isa ka lang na papasok ng mall, palad ng mga guwardiya ang sasalubong sayo. ganon din kung puro kayo mga lalaki at mukhang magbabarkada. kaya ang ginagawa na lang ng ibang lalaki eh kakausap ng mga nagiisang kababayang babae at magkukuwaring mag-syota o mag-asawa para lang makapasok sa mall at maghihiwalay na lang pagkapasok.

sa unang tingin ay parang "family first" ang isinusulong ng gobyerno dito. pero may nabasa ako na kaya daw merong ganitong batas ay para sa mga locals na babae na namamanyak sa tingin ng mga lalaking sabik. ang tinutukoy ay yung mga laborers na mga pakistano, indiano at oo na nga, kahit mga ibang pinoy na rin.

hindi ako sangayon sa batas na to. itinapat pa talaga ng friday ang family day kung kailan day-off ng karamihan sa mga nasa construction industry. talaga yatang sinadya ito para hindi na sila makapasok sa mga malls. pero hindi apektado ng batas na to ang mga puti. kaya hindi makakaila ang discrimination.

eh pano naman ang mga tulad kong kyut, na walang pamilya dito, na hindi naman manyak pero medyo medyo lang? pano ko bibili ng lotion?

Sunday, February 1, 2009

count to ten five

sa totoo lang, tamad talaga akong magsasagot ng mga tag. pero nakakatouch din dahil naalala kang i-tag ng mga ilang kaibigan. madaming nag-tag sakin nitong mga nakaraang buwan at napansin kong matagal na pala itong overdue, tulad ng tag sakin nila damdam at lyzius. muli na naman akong nakalampag ng tag ni pareng badoodles kaya bago pa umabot ang utang ko sa sampu, sisimulan ko na.

sampung bagay tungkol sa sarili ko. siyam na totoo, isang hindi. tutal eh medyo pinilipit na rin ni badoodles ang rules ng konti, eh babaguhin ko na rin ng kaunti ang rules. imbis na sampu, lima na lang. apat na totoo at isang half truth. kuripotism at its finest.

1. ang pinakamatagal na stretch kong walang ligo ligo ay 3 weeks. ito kasi yung time na binulutong ako nung third year high school at hindi ako pinainom ng kahit anong gamot at hindi rin ako dinala sa doktor kaya tumagal. sa sobrang asar ko eh tinuklap ko na yung mga natitira at naglalakihang peklat ng bulutong ko sa mukha. and there is the history of the moon.

2. ang tawag sakin ng mga tito ko noong bata pa ako ay baktol. proud na proud pa ko noon kasi may naka-vandal na malaking baktol sa isang pader sa lugar nila sa navotas noon.

3. nung fourth year high school naman, namboboso kami sa katabi naming all-girls school (dating OLGA) kapag nagbibihis sila tuwing p.e. nila. nakikita kasi ang silhouette nila sa glass windows. pero minsan lang naman nangyayari yun. tuwing recess ng friday, 2:50pm to 3:10pm lang.

4. may talent ako sa pag-utot. you name it. mahaba, maiksi, madami, putul-putol, mellow, hard, boom-da-base, silent killer, etc etc. noong college nga ay nagamit ko ang pag-utot ko sa pangogopya. sa kasagsagan kasi ng exam, bigla akong nagpakawala ng single/boom-da-base type ng utot. nagka-riot na parang may naghagis ng tear gas, o laughing gas. pati professor di nakatakas sa pagtawa. nagkaron tuloy ng pagkakataon para makasilip sa test paper ng katabi.

5. malaki ang paa ko. size 11.5 ang rubber shoes ko. i therefore conclude, malaki ang titi ko.


alin ang half truth? penis or not penis, pass your papers.