Friday, April 23, 2010

you made a promise, shit you.

may nagpost ng mtv ng pasumpa-sumpa by milyo naryo sa facebook. na-lss tuloy ako tangna.


pasumpa-sumpa
by milyo naryo


pasumpa-sumpa ka pa, tang na ka
na mahal na mahal mo ako, tang na mo
pinaibig mo ako ng todo, at walang pagbabago
makalbo man ang ulo mo.

sa tamis mong mambola, tang na ka
nauto naman ako, tang na mo
at kaya ang resulta, mga briefs ko ay naprenda
butas pa ang aking bulsa.

no'ng nakita mo ako ang sabi mo ako'y macho
kamuka ko ay si rambo at nagtanan tayo
'di ko sukat akalain, papalitan mo ako darling
ako ay dumadalangin, sana'y matorotot ka rin.

sa tamis mong mambola, tang na ka
nauto naman ako, tang na mo
at kaya ang resulta, mga briefs ko ay naprenda
butas pa ang aking bulsa.

no'ng nakita mo ako ang sabi mo ako'y macho
kamuka ko ay si rambo at nagtanan tayo
'di ko sukat akalain, papalitan mo ako darling
ako ay dumadalangin, sana'y matorotot ka rin.

pasumpa-sumpa ka pa... tang na ka!

Wednesday, April 14, 2010

Tuesday, April 13, 2010

that's just the way it is, things'll never be the same

tuwing eleksiyon, laging naririnig sa mga kandidato ang pagsugpo sa korapsyon. naniniwala kayo? ako hindi.

let's take an instance sa kalsada. nagkaroon ka ng violation, hinuli ka ng pulis. kinuha ang lisensya mo at bibigyan ka ng ticket. tatakutin ka pa na kailangan mo pang kunin sa LTO office ang lisensya at umattend ng seminar. pero dahil busy ka at may trabaho, aalukin mo ng singkwenta ang mmda. magpapakipot pa ang hinayupak. aalukin mo naman ng isang daan. kukunin naman ng kumag na kunwari ay napilitan lang at ibabalik na sayo ang lisensya mo. sabay sabi ng "thank you ser, ingat".

lusot ka na sa aberya, may pangmeryenda pa ang hudas. and that's corruption right there.

ano ang point ko? nasa sistema at kultura na ito. cancer ng lipunan ika nga. hindi maaalis kahit sino pang presidente ang maupo. sa tingin ko, maliban na lang kung mai-modernize lahat ng sistema at patakaran sa gobyerno na walang makakalusot kahit gusto mong lumusot. well, mga 2 or 3 generations pa siguro magkakaroon ng pera ang pilipinas.

o kaya sabi nga ni batjay maliban na lang kung magkaroon ng delubyo. kumbaga sa laro, reset. ulitan.

Sunday, April 4, 2010

working on a dream

malapit na rin pala ako mag-2 years dito sa work ko sa qatar. medyo nakakainip na rin. halos dumadampi lang ako ng kaunti sa pinas tuwing uuwi ako at kailangan na namang magbuno ng six months para magtrabaho.

it's all about a dream. dreaming for my family. investing while saving some. kahit malayo, nagtitiis. para yata sa mga tatay, mas mahirap na makitang kapos at gutom ang pamilya kaysa ang lumayo muna pansamantala para humakot ng ganansya.