Wednesday, October 21, 2009

something ula-ish



hindi ako nanonood ng mga telenovela at wala akong katiyaga-tiyagang sumubaybay sa mga ganyan. sukang suka na ko sa walang katapusang iyakan at mga paulit ulit na tema. nagkapalit ng anak, nadiscover ang tunay na magulang, minaltrato ang ampon, ang tunay mong ama ay si... ay si... ay si... (dead).

naalala ko lang, 6 years old pala ako noong una akong maadik sa mga teleserye. paborito kong pinapanood noong 1988 ang Ula, Ang Batang Gubat starring judy ann santos. tandang tanda ko pa, pinapaalala ko pa sa mommy ko tuwing gabi na palabas na sa tv ang ula.

crush na crush ko kasi si juday noon. siya ang aking very first celebrity crush. nanonood lang ako ng ula para lang makita siya araw araw. at bwisit na bwisit ako kaya eruel tongco (kontrabida) kapag ginugulpi at pinapaiyak nya si ula.

nasa isip ko nga noon na magpalaam kaya ako sa mommy na pakakasalan ko na si judy ann. kaso nahihiya ako eh. baka ipatuli ako bigla, eh takot pa ko magpatuli.

siguro nga i see something "ula-ish" sa misis kong bachoinkchoink kaya crush na crush ko pa rin siya hanggang ngayon. walang stir.


23 comments:

gillboard said...

at kilala mo si eruel tongco... hahaha... napapanuod ko yun dati sa channel 13 ata yun pag hapon... si ula...

BlogusVox said...

Ermat ko naman adik sa Flordeluna. Hindi na mabilang kung ilang beses ng pinakidnap ni Ms.Tapia yung bata pero baliwala kay Mommy.

Buti nalang itinigil na nila yung itututok ang kamera sa mukha ng matagal na parang nag-iisip ang aktor. E technik lang yun ng pang patak ng oras dahil walang kakwenta-kwenta ang story line!

jeck said...

yikeeee... kakakilig ang post! haha

ayos din ang humor ng asawa mo ha. based on facts. kuya ryan! Lols

The Gasoline Dude™ said...

Ayaw mo kay Isabel, ang sugo ng Birhen? LOL

lyzius said...

bwahahahaha

me hawig naman talaga kay Mr C...

bwahahahahahaha

Traveliztera said...

awww sweet. hahaha...

oy idol ko si juday hahaha... gumawa pa ako entry sa kanya sa dti kong blog kung nakita mo lol. hindi ka naman si wowie db hahaha

anyhoo... mr. cayabyab? bigaten !

antuken said...

hehe. kwela rin ang misis mo. di kayo magkamukha ni ryan cayabyab. maraming hair yun e. hehe.

UtakMunggo said...

ula-ish. lols.

yer so conyotic nowadeys parekoys. ahaha


huwaw judaylicious. nasan ba ako nilagay ni lord noong 1988 at bakit hindi ako nahumaling sa ula na yan?

ay! alam ko na, busy kakapop ng pimples dala ng pagdadalaga. ahahaha

Maldito said...

ayaw mo pa nun! composer..simula ngayun ryan na tawag ko sayu!ahahahha

RJ said...

gillboard, oo at doon ko nga nakilala si eruel tongco sa ula, talagang kontrabidang kontrabida ang itsura nya. hehehe.

RJ said...

blogusvox, hahaha. oo nga, madaming ganong scene noon. nakatutok sa mukha ng matagal, minsan kapag umiiyak. sabayan pa ng mga korning tugtog. hehehe.

RJ said...

insan jeck, importante talaga ang sense of humor sa kahit na sinong magkarelasyon. and luckily, my wife never fails to give me a good laugh lalo kapag magkasama kami niyan. hehehe. hindi lang humorous, alaskadorous din yan. hehehe. :D

RJ said...

insan gasul, hindi ko na matandaan si isabel 'pre. hanggang kila annaluna lang yata ako. hahaha!

RJ said...

jing, tanggap ko naman. pareho kami ni mr. C na walang leeg. hehehe.

RJ said...

steph, hindi ko pa nababasa yung post mo about juday. pero idol din yata talaga ni bachoinkchoink si juday, ayaw lang umamin. hehehe.

RJ said...

antuken, tama ka diyan hindi kami magkamuka. pero pareho yata kami ng leeg, parehong walang leeg. hehehe.

RJ said...

marekoy, konyotic na ba ko? hindi ko napapansin. eh ganon naman talaga ako kapag homesick, i talk english remember? hehehe.

kung hindi mo napanood pa yung ula, meron ako ditong dvd papahiram ko sayo.

hahaha joke lang kaw naman di mabiro.

RJ said...

maldito, lakas kasi magpauso ng asawa ko eh. hehehe.

wanderingcommuter said...

HAHAHAHAHAHAHA... ryan cayabyab!!! hahahaha! smokey mountains!

p0kw4ng said...

wow songer ang kamukha..ahahaha

hindi din ako mahilig sa tele novela...tama na sa akin ang PBB daming tsismis,hahaha

RJ said...

wandering commuter, creative ang misis ko lalo sa pang-aasar. naisip pa nya yun? hehehe.

RJ said...

pokwang, nanonood lang ako ng reality shows kapag may mga sexy at scandalous. ooops. hahaha!

Popoy Inosentes said...

natawa ako sa YM conversation nyo. LOL. :))