Tuesday, October 27, 2009

farm town

original plan naming mag-asawa ang bumili na kami ng pwesto para sa itatayo naming sariling pugad.

impak, meron na nga kaming kursunada na kukuning lupa sa valenzuela pagkauwi ko sa january. naikwento ko na noon na i want to have an erection na.

pero mukhang mapopostpone muna ito. change to plan B muna.


nagulat na lang ako noong isang araw biglang tumawag sakin ang asawa ko. humahangos at nagmamadali na akala ko noong una ay emergency.

"huy gusto mong lupa?" bungad nya sakin. parang nag-aalok lang ng mani.

sa madaling sabi, may nakita siyang 2,000 square meters farm lot na bank property kaya mura at walking distance lang sa lugar namin sa bulacan. kaya agad din namin itong binili.






ang kagandahan kasi ng lupa na to bukod sa malapit lang sa amin at sa presyo, eh pwede din taniman ng palay, pwedeng magtayo ng piggery or poultry. or kung ayaw na namin, madali namin siyang maibebenta ng doble or triple. pero kung ano man ang kahinatnan, this should be a great start.

sabi nga rin ng dadi, pwede din daw magtayo ng beerhouse na may malaking parking space. para pwede ang mga bus kung sakaling may mag-field trip. hehehe.

nakatulong din siguro pagiging inspired ng misis ko sa paglalaro ng farmtown at restaurant city kaya medyo nagiging business minded na siya.

kaya naman ang kinakatakot ko lang, baka makahiligan naman ng misis ko ang paglalaro ng mafia wars. baka maging inspired naman kami sa panggagantso at violence.

dati ko na rin kasi gusto na magkaroon na ng sariling negosyo. kapag nandito kasi ako sa abroad, lagi ako nag-iisip kung paano kikita ng hindi ako umaalis at kasama ang buong pamilya. kapiling ang asawa at masubaybayan ang anak. i am longing for the day na hindi ko na kailangang mangibang bansa.

nasasayangan ako sa oras. life is short, so is the dick.

Wednesday, October 21, 2009

something ula-ish



hindi ako nanonood ng mga telenovela at wala akong katiyaga-tiyagang sumubaybay sa mga ganyan. sukang suka na ko sa walang katapusang iyakan at mga paulit ulit na tema. nagkapalit ng anak, nadiscover ang tunay na magulang, minaltrato ang ampon, ang tunay mong ama ay si... ay si... ay si... (dead).

naalala ko lang, 6 years old pala ako noong una akong maadik sa mga teleserye. paborito kong pinapanood noong 1988 ang Ula, Ang Batang Gubat starring judy ann santos. tandang tanda ko pa, pinapaalala ko pa sa mommy ko tuwing gabi na palabas na sa tv ang ula.

crush na crush ko kasi si juday noon. siya ang aking very first celebrity crush. nanonood lang ako ng ula para lang makita siya araw araw. at bwisit na bwisit ako kaya eruel tongco (kontrabida) kapag ginugulpi at pinapaiyak nya si ula.

nasa isip ko nga noon na magpalaam kaya ako sa mommy na pakakasalan ko na si judy ann. kaso nahihiya ako eh. baka ipatuli ako bigla, eh takot pa ko magpatuli.

siguro nga i see something "ula-ish" sa misis kong bachoinkchoink kaya crush na crush ko pa rin siya hanggang ngayon. walang stir.


Thursday, October 15, 2009

read more

sa wakas, sinipag ako at natutunan ko na rin kung paano lumalabas sa blogger yung "read more..." na option para maputol ang post at maipagpatuloy sa susunod na page.

kung alam mo na kung papano, press "CTRL + F4".

kung hindi pa at gusto mo malaman, eh di click read more.



1. pumunta sa Blogger Dashboard. click layout, then edit HTML


2. tick Expand Widget Templates


3. type Ctrl-F at hanapin ang code na to:
4. isingit ito before the code:
then ilagay naman ito after ng code:
it will look like this
7. then click Save.

8. balik tayo sa Blogger Dashboard. click Settings, then Formatting.


9. hanapin ang Post Template sa ibaba at i-type ang ganire:



tapos na. ngayon, kapag gumawa ka na ng post, ilagay angpagkatapos ng gusto mong mailagay sa first page. at ilagay angsa pinakahuling part ng post.

Tuesday, October 6, 2009

no blood, no glory


pindutin nang lumaki.