ang tagal kong nawala. magkukwento lang ako. mabilis lang to.
almost one month na mula nung nagbakasyon ako. pero hindi pa talaga ako nagbabakasyon. baket? simula kasi nung dumating ako ng pilipinas, wala na kaming inasikaso ni bachoinkchoink ko kundi ang preparations para sa pinaplano naming pagpapakasal sa isang christian garden wedding.
kung naaalala pa ninyo, nagpakasal na kami last year sa isang simpleng ceremony sa cityhall ng valenzuela attended only by our immediate family. ang habol lang naman talaga namin ay maging legal ang pagsasama namin para kung sakaling sumunod sya sa akin sa qatar, walang problema. bali-balita ko kasi noon, may namumutol ng titi doon kapag nahuli kayong nagsasama ng hindi pa kasal.
araw-araw, lagi kaming nasa layasan ng maganda kong asawa. pamimigay ng invitations, pagbili ng isusuot ko at ng mga entourage, photoshoots, reservations, packages at pagbili ng kung anu-ano pang mga anik-anik na kailangang bilhin.
ang hirap magkwento, daming nangyari. kung gusto nyo na lang mapanood ang prenuptial avp namin, click mo dito.
the wedding was a blast! ang hirap i-explain ang feeling lalo't quick post lang itong ginagawa ko. kung gusto nyong mapanood ang on-site video na ipinalabas sa reception, click mo dito.
sabi sa inyo mabilis lang ang kwento ko eh. nasa honeymoon pa nga kami (ulet ulet ulet). nandito kami ngayon sa coron, palawan at magstart ng island tours bukas.
ingat.
Wednesday, May 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
16 comments:
Wow! Congratulations! o",)
[Kaya pala ang tagal mong nawala.]
Wow!! ang bilis ah, di ko man lang nabalitaan na may plano na kayo magpakasal... galing!!
Congrats!!!
congrats ulit tol. saan ko ipapadala wedding gift ko sa inyo? hehe
wah kuya ardyey! inlabb ako! wahahaha.. seeing people who are TRULY inlove makes me feel the same way. haaaaay! sarap! hahahaha!
Insan, napanood ko na. Saan ka ba nagtatambay dati at nakilala mo itong si Bachoinkchoink? Wala bang kapatid 'yan? Hahahaha. = D
Ni-post ko video mo sa Plurk. May mga na-inspire. Kasama na ako dun. Parang gusto ko ng mag-settle down bigla. Ihanap mo nga ako ng esposa. *LOLz*
Congrats!
ito pala ang niluluto mo. haha
huwaw! congratulations sa inyo ni carol. napanood ko yung vid sa plurk, kasi ni-post ni gasul doon. kung di ko pa napanood malamang hindi na naman ako mapapadaan sa blogosperyo. (nag-explain ang lola mo).
may you have a beautiful, bountiful life together.
*gigols*
napakasocial naman talaga...sana naman may ikatlong kasal para naman makakain kaming patay gutom..ahaha
enjoy the honeymoon..ulet...ulet...ulet...
congrats!
waw kongrashuleyshons!
wow congrats naman!
di ko pa napapanood pero im sure maganda yung mga kuha,hihihi
wow at ang jump ni bachoinkchoik..talagang papasa sa bukakakaan,hihihi
doc rj, yup. very busy kaya matagal akong nawala. hehehe. salamat. =D
gillboard, di mo siguro napanood sa SNN sa channel 2 ano? hehehe. thanks. =D
madbong, enveloped gifts ang preferred namin pards. send ko sayo yung bank account. hahaha. joke lang. =D salamat.
bloom, pag ikaw naman ang ikinasal, balitaan mo kami ha. hehehe.
insan gasul, kaw talaga ginawa mo pa kong bugaw. hahaha.
sarap ng feeling kapag nakakarinig na madaming nainspire sa wedding namin. salamat. =D
marekoy, oo yan ang niluluto ko na sinabi ko noon. para surprise. hehehe.
beautiful, bountiful, isama mo na rin pati bounciful. hehehe. salamat marekoy. =D
maldito, madami pa nga kaming hindi naimbita including some blogger friends, naguumapaw na ang venue. halos puro kamaganak pa lang iyan. salamat. =D
salamat taps. kailan kayo ni lovalot? =D
pokwang, hahaha pasado talaga iyan sa bukakaan festival. panoorin mo para masaya. salamat. =D
nice kuya rj! congrats sa inyo :)
npanuod ko yung mga vid,kakaiyak nman! haha. big time! panalo pa kay ryan at juday.hahaha. :)
kaya pala nawala ka.
congrats congrats!
isa sa napakasarap maranasan ang maiksal sa babaeng pinakamamahal.
jheya, kamuka ko naman si ryan di ba? hehehe. thank you.
kuri, tama ka pards. masarap pala ang feeling. akala ko nung una eh pambabae lang ang kasal. hindi pala. salamat.
brother congratulations! ang saya ng feeling no? o gawa na kayo uli ng ka-basketball ng anak ko! dali, as in now na! hahahaha!
kailan ba kayo magagawi ng SG ha? hehehehe! at mukhang ok ang mga pasyal packages na nilagay mo, i'll consider it pagbalik ko ng pinas! hahahaha!
your avps are great. yung pre-nup shots namin were not. kse sooper bagyo/ulan kaya indoor shots lang. both hubby & i were too camera shy pa. i wish we were as candid as you too. at hindi nahihiya sa cameraman. sabi ko nga sa asawa ko, di ako pwedeng artista or model man lang. i'm too conscious of the camera. hahaha. pag sinasabi nga ng cameraman na kiss, hahaha. antagal bago magawa. hehehe.
@echo, kumusta na si baby? sana nga makahabol kami. hehehe.
gusto ko nga magsingapore lang para malapit lang makasunod si misis. ibugaw mo naman ako diyan o. hehehe. salamat. =D
@antuken, yung unang day din namin ng shoot, makulimlim at inabutan kami ng ulan. pero nagsked kami ulit ng shoot para masulit. buti naman maganda kilabasan.
sa palengke at town proper pa nga kami nagshoot. daming tao sa paligid, akala artista kami. pag nagkiss naman kami eh masigabong "yihee" ang mga kurimaw. haahaha. =D
Post a Comment