Sunday, August 1, 2010

eat all you kan-in

sabi ng wikipedia, 9% lang ng mga rice lands dito sa bayan ng sta. maria, bulacan ang irrigated at 91% ang rain fed or yung umaasa lang sa tubig ulan para makapagtanim ng palay. kasama sa rain fed rice lands ang nabili namin last year.

kaya naman dahil sa tag-ulan na, nagpatanim na rin kami ng binhi ng palay. narinig ko naman kay kuya kim, 100 days bago maging ganap ng palay ang naitanim na mga binhi.



konti lang ang palay na aanihin dito dahil maliit lang din naman ang lupa. kaya malamang na for personal consumption lang silbi nito at hindi for business.

iniisip ko nga, kikita pa siguro ako kung marijuana na lang ang itanim ko.

nga pala, happy 6th month birthday sa'yo anak.