Wednesday, March 4, 2009

daily dose of hydrogen sulfide

karaniwan nang tanawin dito sa qatar, in particular of ras laffan, ang mga flare stacks ng mga refineries. kaibahan lang nito sa mga ordinaryong chimney sa mga pabrika ay imbis na usok lang, may apoy din ito sa dulo. sinusunog kasi dito ang mga unwanted at flammable gases na nakukuha sa natural gas sa ilalim ng lupa pagkatapos dumaan sa refining process. isa sa mga common gases na sinusunog sa mga flare stacks ang gas na tulad ng hydrogen sulfide.

feeling ko nga kapag matagal pa akong nagtrabaho dito sa ras laffan eh maaga akong magkakasakit at mamamatay. kapag mahangin kasi, tulad ngayon dahil nagpapalit na ng panahon dito, imbis na pumunta sa langit ang singaw ng mga flares eh hinahangin ito pabalik sa lupa. at laging nalalanghap sarap ng mga nagtatrabaho sa mga construction facilities tulad dito.

pero alam nyo bang ang utot natin ay may taglay din na hydrogen sulfide or H2S? kaya kahit wala ka dito sa mga refineries eh kagaya mo rin akong nanganganib ang buhay. lalo kung paborito mong gawain ang pagkulong ng utot na kalalabas pa lang at mainit-init pa sa palad mo at biglang itatapat sa ilong mo at sisinghutin na parang rugby. kung hindi mo naman sinisinghot, ipupukol mo naman sa mukha ng katabi mo. makonsensya ka naman bay.

umamin na kayo. sa tanang buhay nyo eh nagawa nyo na rin itong pinagsasasabi ko dito.

Friday, February 27, 2009

keep on dreaming

nagpunta ang team namin sa doha kaninang umaga para sa opening ng PBLQ dito. sumali ang company namin sa corporate division kung saan 7 teams/companies ang maglalaban sa eliminations every friday.

kami agad ang unang game. kalaban namin ang ctjv wildcats. takbo rito, takbo roon. nagbunga rin naman ang mahigit dalawang buwan naming pagpa-practice. dahil pagkatapos ng 40 minutes of action, tinambakan kami ng 18 points. kitamo, kung hindi kami nagpapractice eh baka singkuwenta pa ang itinambak nila sa amin. now that's positive thinking.

sa totoo lang, mahina talaga ang team namin. kung papogian lang sana ang labanan eh meron siguro kaming panalo. kaso kulang kami sa malaki. meron lang kami ay naglalakihang tiyan. pati titi maliit din. kaya nga nakaka-ilang ang ipinangalan sa team namin na dream team. kapag nalaman ko nga kung sino ang may pakana ng pangalan na ganon, cho-chokeslamin ko. dreamers pwede pa.

we are just happy to be there. kumbaga, experience lang talaga ang habol namin. tama na nga, dami ko pang paliwanag.

Monday, February 23, 2009

lamesang mala-bulbol

ang pagiging organized ng isang tao ay kadalasang sumasalamin sa mga pwede nyang marating sa buhay. kadalasan, ang mga taong organized ay maayos ang takbo ng career, natutupad ang mga pinapangarap at umaasenso sa buhay.

at dahil kapanahunan nga pala ng edsa sa pilipinas ngayon, mukhang kailangan ko ng pagbabago. ano sa tingin mo?



wala kasi si bachoinkchoink ko dito eh. kaya walang nagpapaalala saking mag ayos-ayos naman ng gamit. kunsabagay, kung nandito siya malamang mas makalat pa dito ang mesa ko. [insert tawa-ni-romy-diaz here]

Sunday, February 15, 2009

ang kuratcho

kung merong mga tao na mas gusto ang walang ginagawa sa trabaho, meron din namang gustong gusto ang busy at madaming ginagawa tulad ko. sa kagaya ko kasing hobby na ang magbilang ng araw para sa susunod na bakasyon, at maghintay ng payslip buwan buwan, very helpful ang pagiging occupied sa trabaho para bumilis ang pagsikat at paglubog ng araw.

tulad ngayon, ang bilis ng oras. biruin mong 66 days na lang pala eh uuwi na ko ulit.

daig ko pa nga si kuratcha. dahil ako, ihi lang ang pahinga.


"duwag talaga ako, kaya h'wag nyo na akong paharapin..." - ardyey

Monday, February 9, 2009

no family, no entry

ang ras laffan ay nasa north ng qatar, kung saan makikita ang pangatlo sa pinakamalaking gas reserves sa buong mundo. kaya dito rin makikita ang mga kabi-kabilang refineries na parang magkakapit-bahay lang na mga malls. isa't kalahating oras ang biyahe sa bus kung pupunta ka ng doha.

sa buong 9 months na pagtira ko dito sa qatar, wala pa kong ibang napupuntahan kundi ang city center sa doha. at pumupunta lang ako doon kapag naubusan na ko ng grocery supplies tulad ng toothpaste, lotion, chocolates, lotion, at ilang konting kagamitan (lotion etc etc). bumababa rin ako ng city center kung trip kong kumain sa resto or fast food chain at kumain ng lotion burgers.

pero hindi ako makapunta ng city center tuwing day-off ko ng friday dahil may batas dito sa qatar na ang friday ay family day. meaning, ang mga may kababaihan o mga lalaking kasama ang partner o pamilya lang ang pupwedeng makapasok sa mga malls. kung lalaki ka at mag-isa ka lang na papasok ng mall, palad ng mga guwardiya ang sasalubong sayo. ganon din kung puro kayo mga lalaki at mukhang magbabarkada. kaya ang ginagawa na lang ng ibang lalaki eh kakausap ng mga nagiisang kababayang babae at magkukuwaring mag-syota o mag-asawa para lang makapasok sa mall at maghihiwalay na lang pagkapasok.

sa unang tingin ay parang "family first" ang isinusulong ng gobyerno dito. pero may nabasa ako na kaya daw merong ganitong batas ay para sa mga locals na babae na namamanyak sa tingin ng mga lalaking sabik. ang tinutukoy ay yung mga laborers na mga pakistano, indiano at oo na nga, kahit mga ibang pinoy na rin.

hindi ako sangayon sa batas na to. itinapat pa talaga ng friday ang family day kung kailan day-off ng karamihan sa mga nasa construction industry. talaga yatang sinadya ito para hindi na sila makapasok sa mga malls. pero hindi apektado ng batas na to ang mga puti. kaya hindi makakaila ang discrimination.

eh pano naman ang mga tulad kong kyut, na walang pamilya dito, na hindi naman manyak pero medyo medyo lang? pano ko bibili ng lotion?

Sunday, February 1, 2009

count to ten five

sa totoo lang, tamad talaga akong magsasagot ng mga tag. pero nakakatouch din dahil naalala kang i-tag ng mga ilang kaibigan. madaming nag-tag sakin nitong mga nakaraang buwan at napansin kong matagal na pala itong overdue, tulad ng tag sakin nila damdam at lyzius. muli na naman akong nakalampag ng tag ni pareng badoodles kaya bago pa umabot ang utang ko sa sampu, sisimulan ko na.

sampung bagay tungkol sa sarili ko. siyam na totoo, isang hindi. tutal eh medyo pinilipit na rin ni badoodles ang rules ng konti, eh babaguhin ko na rin ng kaunti ang rules. imbis na sampu, lima na lang. apat na totoo at isang half truth. kuripotism at its finest.

1. ang pinakamatagal na stretch kong walang ligo ligo ay 3 weeks. ito kasi yung time na binulutong ako nung third year high school at hindi ako pinainom ng kahit anong gamot at hindi rin ako dinala sa doktor kaya tumagal. sa sobrang asar ko eh tinuklap ko na yung mga natitira at naglalakihang peklat ng bulutong ko sa mukha. and there is the history of the moon.

2. ang tawag sakin ng mga tito ko noong bata pa ako ay baktol. proud na proud pa ko noon kasi may naka-vandal na malaking baktol sa isang pader sa lugar nila sa navotas noon.

3. nung fourth year high school naman, namboboso kami sa katabi naming all-girls school (dating OLGA) kapag nagbibihis sila tuwing p.e. nila. nakikita kasi ang silhouette nila sa glass windows. pero minsan lang naman nangyayari yun. tuwing recess ng friday, 2:50pm to 3:10pm lang.

4. may talent ako sa pag-utot. you name it. mahaba, maiksi, madami, putul-putol, mellow, hard, boom-da-base, silent killer, etc etc. noong college nga ay nagamit ko ang pag-utot ko sa pangogopya. sa kasagsagan kasi ng exam, bigla akong nagpakawala ng single/boom-da-base type ng utot. nagka-riot na parang may naghagis ng tear gas, o laughing gas. pati professor di nakatakas sa pagtawa. nagkaron tuloy ng pagkakataon para makasilip sa test paper ng katabi.

5. malaki ang paa ko. size 11.5 ang rubber shoes ko. i therefore conclude, malaki ang titi ko.


alin ang half truth? penis or not penis, pass your papers.

Thursday, January 29, 2009

australian recession (the tabo scandal)

isang araw sa australia, may isang pinoy na natatae.

pinoy: (pumasok sa kubeta na may dalang bote ng tubig, habang sumisipol sa himig ng tipitipitim tipitim)

co-worker aussie: (pumasok din sa loob ng kubeta kasama ang pinoy na sumisipol sa himig ng tipitipitim tipitim) what the fuck do you think will you do?!

pinoy: i'm gonna take a shit.

co-worker aussie: hell i know. then what's with the bottled water? you can't bring that there!

pinoy: i'm gonna put extra-joss in it and have a drink while shitting, not. of course i'm gonna wash and rinse my ass after shitting.

co-worker aussie: no you can't! you are just gonna wipe it with paper!

pinoy: but that's gonna leave dried shit all over my burniks!

co-worker aussie: i don't friggin care about your burniks! just use a toilet paper to wipe your ass or else i'm gonna tell boss about it and ask to get you fired, just because of using water to clean the poop in your ass!

pinoy: eh di magsumbong ka! basta ako maghuhugas ng pwet. tanginangyan!



for the true story, click here.

Friday, January 23, 2009

mirror mirror hanging on the wall

doon sa pinasukan kong trabaho noon sa makati, meron akong kaopisinang kahawig ko. semi-kalbo rin kasi. parang ako daw ang big brother nya dahil mas matangkad ako sa kanya.

pero isang normal na umaga sa opisina, papunta ako ng pantry para magtimpla ng kape ay nakasalubong ko siya. natawa na lang kami nung magkita kami. ang dami ring nagreact nung makita nila kami. biglang parang gusto kong mag-ala incredible hulk para mapunit ang damit ko. parang gusto kong umuwi at magpalit.

bakit?

Sunday, January 18, 2009

tv on sunday

friday ang day off ko dito sa qatar kaya nakakapanibago na regular working day ako nakakapanood ng mga kantahan sa ASAP sa tfc. sa pilipinas kasi, lagi akong naka-kuyakoy at nagpapa-hangin lang ng itlog tuwing linggo ng tanghali habang humahanga sa mga performances nila piolo pascual at sam milby sarah geronimo at maja salvador na parehong malakas ang sex appeal.

nandon din si arnel pineda na lately ko lang nakilala. kung sa panlabas na anyo mo lang titignan, parang tambay lang at walang ibubuga. para lang kasing tuturyok tapos ang buhok pa eh manipis na mahaba. pero hindi naman ako bitter sa mga may mahahabang buhok talaga. malupit pala ang boses nung mama. ang galing bumirit at ang taas ng boses. another reason for the pinoys to be proud of.

nung nakita ko nga siya sa tv, parang pamilyar ang mukha niya. sabi ko na nga ba, kamuka nya si steve nash.

* * *


pasensya na pero kapag nakikita ko si arnel pineda, naaalala ko yung kumanta ng 'i saw mommy kissing santa clause' na kapatid daw ni jose, kung napanood nyo ang eat bulaga nung christmas.

Wednesday, January 14, 2009

may bago na sana akong syota...

kaso lang may dalawang problema:

1. hindi ko alam kung babae ba siya o lalake.

2. saka mahilig mang-huthot ng load.

Monday, January 12, 2009

remembering four years ago

ngayon ang aming 4th year anniversary ni bachoinkchoink. ibig sabihin, apat na taon na mula noong nagumpisa kaming maglaro ng taguan-reyp (pag hindi mo ko nakita, nasa likod lang ako ng piano ha?).

ang bilis ng panahon. bago pa lang ako sa unang pinasukan kong kumpanya sa makati nang mamataan ko ang maputi, singkit, chubby, 5-footer at kyut na kyut na babaeng pumukaw ng aking pansin. araw araw pakiramdam ko ay para pa rin akong highschool na kinikilig dahil minsan nakakasabay ko siya sa mrt papasok at papauwi, sinusulyap sulyapan sa opisina at nagiisip ng paraan kung papaano mapapansin. siya ang aking excitement kaya ako sinisipag pumasok sa opisina, para lumandi.

naging close lang kami noong maging magkagrupo kami sa gagawin naming presentation para sa christmas party. batas kasi sa kumpanya namin na ang mga baguhan ng taon na yon ay siyang magpeperform ng number sa party. inshort, kami ang magbibigay kasiyahan habang ang mga seniors ay naglalasingan na. demmet. nagbunga naman ang pinaggagawa namin dahil kami ang nakakuha ng 1st prize noon. kaming dalawa kasi ni bachoinkchoink ang front runner ng grupo. nakaka/kiliti remix kasi ang sinayaw namin. nagbihis nino mulach na action star siya, britney spears naman ako. alang-alang sa pogi points.

nagtapat ako sa kanya noong pasko 2004. hinanap ko magisa ang bahay nila sa bulacan sa tulong ng pinadrowing kong mapa na magulo sa kaibigan nya. nagdala ako ng flowers at pizza (na kinulang dahil andami pala nilang nakatira doon). wag daw muna akong umasa dahil magulo pa ang isip nya. in-short, umuwi ako sa aming luhaan.

pumasok ang bagong taon 2005 pero ganon pa rin naman kami. parang wala lang nangyari. pero sabay pa rin kami umuuwi, kumakain paminsan minsan at nagkukwentuhan habang nagtatrabaho. kaya sa tingin ko ay hindi naman talaga ako binasted. siyempre pangit naman kung oo agad ang sagot nya, kaya naiintindihan ko siya kung magpakipot muna ng kaunti. ahohohoy! ang tibay!

pero sa isang relasyon, hindi mo mawawari at mapre-predict kung kailan ang moment na sasagutin ka na ng dinidigahan mo. laging biglaan. sa case ko, sumakay lang kami ng mrt sa ayala station. pagdating ng shaw, magkahawak na ang kamay namin hanggang makarating ng north avenue. naging kami na. wala nang usap usap dahil parang nakasinghot ng katol ang pakiramdam. ngiting adik.

at kahit magkalayo kami sa araw na ito, siya ang palagi kong nasa isip. tuwing nakikita ko siya o tinitignan ko ang pictures namin, naiisip kong crush ko pa rin sita tulad nung una kaming magkita. kaya nga paborito kong kantahin ang suntok sa buwan.

maganda kong asawa, alam kong madami akong shortcomings to you. babawi na lang ako sayo paguwi ko, and that's 3 and a half months from now. maglalaro pa rin tayo ng taguan-reyp. aylabyusomats. tsup.

Sunday, January 4, 2009

nawala lang tamud

first time ko itong nagpasko at nagbagong taon sa labas ng pilipinas. kung noon lagi kong pinapanalangin na wag na matapos ang holidays para mahaba ang bakasyon, ngayon naman parang wala lang. business as usual pa rin kasi dito. may pasok kami ng mismong december 25 at january 1. kunsabagay mas okey na nga yon dahil sayang din ang double pay. wala rin naman magawa sa bahay buong araw kundi internet/tv-kain-jakol-tulog. repeat 3 times.

masyado akong naging immersed sa trabaho nitong nakaraang linggo kaya di ko namamalayang almost 1 week nang tapos ang holiday. 1 week na rin pala mula nong huli kong post.

patentiya na at wala lang po talaga ato tamud.

normal lang naman yata yon kapag puro kayod ako dito sa qatar samantalang ang mga kasabayan kong yuppies sa pilipinas eh halos isang linggong nagpalaki ng itlog. trigger happy sila, may oplan-walang-putok kami dito. may masking tape at pirma pa ang baril.

tuloy ang a.r.d.y.e.y.t.o.l.o.g.y. sa 2009, mabuhay!