Tuesday, October 27, 2009

farm town

original plan naming mag-asawa ang bumili na kami ng pwesto para sa itatayo naming sariling pugad.

impak, meron na nga kaming kursunada na kukuning lupa sa valenzuela pagkauwi ko sa january. naikwento ko na noon na i want to have an erection na.

pero mukhang mapopostpone muna ito. change to plan B muna.


nagulat na lang ako noong isang araw biglang tumawag sakin ang asawa ko. humahangos at nagmamadali na akala ko noong una ay emergency.

"huy gusto mong lupa?" bungad nya sakin. parang nag-aalok lang ng mani.

sa madaling sabi, may nakita siyang 2,000 square meters farm lot na bank property kaya mura at walking distance lang sa lugar namin sa bulacan. kaya agad din namin itong binili.






ang kagandahan kasi ng lupa na to bukod sa malapit lang sa amin at sa presyo, eh pwede din taniman ng palay, pwedeng magtayo ng piggery or poultry. or kung ayaw na namin, madali namin siyang maibebenta ng doble or triple. pero kung ano man ang kahinatnan, this should be a great start.

sabi nga rin ng dadi, pwede din daw magtayo ng beerhouse na may malaking parking space. para pwede ang mga bus kung sakaling may mag-field trip. hehehe.

nakatulong din siguro pagiging inspired ng misis ko sa paglalaro ng farmtown at restaurant city kaya medyo nagiging business minded na siya.

kaya naman ang kinakatakot ko lang, baka makahiligan naman ng misis ko ang paglalaro ng mafia wars. baka maging inspired naman kami sa panggagantso at violence.

dati ko na rin kasi gusto na magkaroon na ng sariling negosyo. kapag nandito kasi ako sa abroad, lagi ako nag-iisip kung paano kikita ng hindi ako umaalis at kasama ang buong pamilya. kapiling ang asawa at masubaybayan ang anak. i am longing for the day na hindi ko na kailangang mangibang bansa.

nasasayangan ako sa oras. life is short, so is the dick.

22 comments:

UtakMunggo said...

natawa ako sa linyang wag naman sanang kahiligan ni bachoinkchoink ang mafia wars. ahaha

may vampire wars pa, parekoy. don't forget. (at sus pakiramdam koy game na game ka naman sa kagatan.)

huwaw!! congratulations sa inyong bagong proyekto. masyado akong naexcite para sa inyo kasi nabanggit mo na walking distance sa lugar nyo. hulog ng langit yan parekoy.

napakaswerte nyong mag anak. palagay ko talagang tinotodo ng inyong kambal ang pag-guide sa inyo sa inyong mga hakbangin.

:)

gillboard said...

naks.. talaga naman... pabili-bili na lang ng lupa...

Don ardyey pag natayo na beerhouse niyo dyan, libre niyo naman kami!!!

hehehe

BlogusVox said...

Ang ganda nyan, tsong. Along the road, sementado pa at mukhang tahimik.

If you don't mind, magkano ang per sq.m in that area?

antuken said...

congrats.

si hubby ko ang gusto mag-negosyo din. i didn't want it at first, pero dahil sobrang stressful ang work (read: no social life at puro work na lang), parang gusto ko na rin. ang dilemma pa namin sa ngayon e kung anong negosyo kaya.

pero kung ako tatanungin mo, i'd prefer to work in a government agency. 5-day work week kse tapos hindi nage-extend ng gabi ang trabaho.

The Pope said...

Wow congrats, ang ganda naman ng nakuha mong lupa, great investment bro at maganda rin ang location, you have made a good choice.

God bless and happy weekend.

RJ said...

marekoy, pero totoo, sa kakalaro ng farmtown nabuhay muli ang pagnanasang makapagnegosyo. ang dami kasi naming pera sa farm town kaso hanggang doon lang. kung pwede lang i-encash yun eh. hehehe.

salamat. sana nga magtuloy-tuloy kung ano man ang project na gusto namin dito.

RJ said...

gillboard, oo dre. bibigyan pa kita ng discount promo. hehehe.

RJ said...

blogusvox, oo nga yun ang nakalimutan kong sabihin, maganda siya dahil sementado na yung lugar papunta doon.

nai-email ko na sayo yung tungkol sa tanong mo.

RJ said...

antuken, stressful din naman ang magkaroon ng negosyo. yun nga lang mas gusto ko yon para di na ko magabroad just to earn a decent amount of money. saka wala daw yumayaman bilang isang empleyado. unlike sa business, ikaw ang boss.

RJ said...

the pope, salamat sa pagdaan pope. yup its a great investment. pwede rin pala kami magbuy and sell. hehehe.

Rocky Garcia said...

Nice closing! Lol! Muka ngang mapayapa jan sa lugar na yan.

lyzius said...

naks naman, me mini hacienda na sila ni bachoinkchoink...

musta na dung?

rolly said...

haha, parang sinabi mong the life of a man depends on the length of his dick.

Nice investment. One of my dreams is to own a farm para pag retire ko, talagang me retirement home na pupuntahan. You guys are on the right track. Good move.

RJ said...

rocky garcia, yun ang masarap sa probinsya. tahimik at mapayapa. di katulad sa manila na maingay at madumi. salamat sa pagdaan.

RJ said...

lyzius, sarap sana kung may mga tanim nang niyog dito. kaso palay eh. kaya walang lilim. di pa nga namin alam ang gagawin dito. hehehe.

RJ said...

tito rolly, wala naman talaga sa hinagap namin na magkaroon ng ganito. kumatok lang ang opportunity eh kinuha na namin agad. tignan pa namin kung anong magawa namin dito. hehehe. thanks. :D

Traveliztera said...

Lollll congrats sa lupa a hahahhaa! and goodluck1 :)


Ako rin nainspire sa mga laro sa facebook e... Medyo ung skills ko nadevelop sa pagpapatakbo ng mga ganyan2x... Hahahah e di yang lupa na yan, taniman at resto nalang hahahahha

yiN said...

tol ng una kang magkoment sa blog ko nawento mo pa na nakain ka pa nun sa jollijeep nung kabataan mo at gang ngayun bata ka pa hehehe. ngayun pagbalik ko may lupa ka na. naks. hehehe
napadaan ulet poh.

Anonymous said...

congrats sa new property. you deserve it dahil sapagiging masipag at masigasig!

ayos!

RJ said...

steph, sarap lang sana kung katulad din ng farm town sa facebook, 2 or 3 days lang eh pwede mo nang ipaharvest sa iba. hehehe.

RJ said...

yin, kahit naman ngayon, kakain pa rin ako sa jollijeep kung may pagkakataon. kailangan naman magtipid palagi.

RJ said...

kuri, sarap nga ng feeling pag galing talaga sa pinaghirapan. sa trabaho at sa pagiging malayo sa mga mahal sa buhay. sana lang eh click din ang anumang isipin naming gawin dito sa lupa.