ang tagal kong nawala. magkukwento lang ako. mabilis lang to.
almost one month na mula nung nagbakasyon ako. pero hindi pa talaga ako nagbabakasyon. baket? simula kasi nung dumating ako ng pilipinas, wala na kaming inasikaso ni bachoinkchoink ko kundi ang preparations para sa pinaplano naming pagpapakasal sa isang christian garden wedding.
kung naaalala pa ninyo, nagpakasal na kami last year sa isang simpleng ceremony sa cityhall ng valenzuela attended only by our immediate family. ang habol lang naman talaga namin ay maging legal ang pagsasama namin para kung sakaling sumunod sya sa akin sa qatar, walang problema. bali-balita ko kasi noon, may namumutol ng titi doon kapag nahuli kayong nagsasama ng hindi pa kasal.

araw-araw, lagi kaming nasa layasan ng maganda kong asawa. pamimigay ng invitations, pagbili ng isusuot ko at ng mga entourage, photoshoots, reservations, packages at pagbili ng kung anu-ano pang mga anik-anik na kailangang bilhin.
ang hirap magkwento, daming nangyari. kung gusto nyo na lang mapanood ang prenuptial avp namin, click mo
dito.

the wedding was a blast! ang hirap i-explain ang feeling lalo't quick post lang itong ginagawa ko. kung gusto nyong mapanood ang on-site video na ipinalabas sa reception, click mo
dito.
sabi sa inyo mabilis lang ang kwento ko eh. nasa honeymoon pa nga kami (ulet ulet ulet). nandito kami ngayon sa coron, palawan at magstart ng island tours bukas.
ingat.