Monday, February 9, 2009

no family, no entry

ang ras laffan ay nasa north ng qatar, kung saan makikita ang pangatlo sa pinakamalaking gas reserves sa buong mundo. kaya dito rin makikita ang mga kabi-kabilang refineries na parang magkakapit-bahay lang na mga malls. isa't kalahating oras ang biyahe sa bus kung pupunta ka ng doha.

sa buong 9 months na pagtira ko dito sa qatar, wala pa kong ibang napupuntahan kundi ang city center sa doha. at pumupunta lang ako doon kapag naubusan na ko ng grocery supplies tulad ng toothpaste, lotion, chocolates, lotion, at ilang konting kagamitan (lotion etc etc). bumababa rin ako ng city center kung trip kong kumain sa resto or fast food chain at kumain ng lotion burgers.

pero hindi ako makapunta ng city center tuwing day-off ko ng friday dahil may batas dito sa qatar na ang friday ay family day. meaning, ang mga may kababaihan o mga lalaking kasama ang partner o pamilya lang ang pupwedeng makapasok sa mga malls. kung lalaki ka at mag-isa ka lang na papasok ng mall, palad ng mga guwardiya ang sasalubong sayo. ganon din kung puro kayo mga lalaki at mukhang magbabarkada. kaya ang ginagawa na lang ng ibang lalaki eh kakausap ng mga nagiisang kababayang babae at magkukuwaring mag-syota o mag-asawa para lang makapasok sa mall at maghihiwalay na lang pagkapasok.

sa unang tingin ay parang "family first" ang isinusulong ng gobyerno dito. pero may nabasa ako na kaya daw merong ganitong batas ay para sa mga locals na babae na namamanyak sa tingin ng mga lalaking sabik. ang tinutukoy ay yung mga laborers na mga pakistano, indiano at oo na nga, kahit mga ibang pinoy na rin.

hindi ako sangayon sa batas na to. itinapat pa talaga ng friday ang family day kung kailan day-off ng karamihan sa mga nasa construction industry. talaga yatang sinadya ito para hindi na sila makapasok sa mga malls. pero hindi apektado ng batas na to ang mga puti. kaya hindi makakaila ang discrimination.

eh pano naman ang mga tulad kong kyut, na walang pamilya dito, na hindi naman manyak pero medyo medyo lang? pano ko bibili ng lotion?

20 comments:

Bloom said...

kumausap ng kababayang pinay at magkunwari.. PERO MAGPAALAM KAY BACHOINkCHOINK! haahha. mayayari ka!

RJ said...

@bloom: nakalimutan kong sabihin na mahirap din makakita ng nag-iisang pinay sa doha, laging may kasama na rin. saka dyahi, how pathetic.

gillboard said...

anong klaseng batas yan?! anong purpose?! kalokohan!!!

p0kw4ng said...

may bayad ba pag may kinausap kang pinay na popose as pakner mo?

makapunta nga dyan at ng kumita ako,hihi

Anonymous said...

Sa totoo lang, iyan ang kinayayamot ko sa mga bansa diyan sa Middle East. Masyadong restrictive. At sa pananaw ko, the law truly aims to discriminate against non-white workers kasi it seems to be based on the rationale that the average white worker ay mas mayaman kaysa sa average non-white worker.

Pero ang gusto ko sa batas na iyan eh puwede akong magkasyota sa kakapunta lang ng mall pag Biyernes. Hehehe :D

Anonymous said...

nakakatuwa naman ang batas dyan sa Qatar. bawal pumasok yung mga walang pamilya pero yung mga puti, pwede? e mas mukha pang mga manyak yang mga puti na yan sa atin e. pakers naman yang nag-isip at nagpatupad ng batas na yan. eniweys, nabalitaan mo ba yung news about sa lalaking ni-rape ng tatlong babae. somewhere dyan yata sa UAE yun. nirereyp ang mga lalake dyan di ba? di ba? haha

sa japan naman, yung company ny Canon, may policy sila na pinapauwi ng maaga yung mga employees nila para makapag-lovemaking sa kanilang asawa. ang saya no? wala lang. wala naman ako sa japan at wala pa rin akong asawa. haha

Anonymous said...

air nga yun sa mga walang mahal sa buhay jan..jowain mo na lang yung mga gwardya.hehe

Anonymous said...

unfair pala...

Anonymous said...

alam kong para saan yung lotion...hahaha!

ang panget naman ng batas dyan kung ganun. eh pano kung ayaw mo talaga mag asawa eh di hindi ka na makakapasok sa mall kahit kelan dyan? eh pano pag bading..pag tibo? wala na!

Anonymous said...

grabe naman yun ardyey... napaka-unfair naman ngang talaga ang ginagawa nila. pero siguro nga, wala na rin silang ibang choice kundi gawin nga ito dahil na rin sa mga patans at anaps na grabe't mahalay kung makatingin.

magpaalam ka na nga lang kay bachoinkchoink mo na kukunchaba ka ng babae para makapasok ka sa mall. mabait ka naman eh, papayagan ka nun. :) muka yatang indi mo kakayanin ang maubusan ng lotion eh hehe.

pabisita ;)

Anonymous said...

bakit nawala yung unang comment ko????

sharaphaken!

ayun ulitin ko na lang ulit yung comment ko...

sabi ko bakit parang ambilis maubos ng lotion mo? tsk tsk tsk!

yung mga pinoy na nagkukutsaba ng kapartner kuno, later on toto-tohanin na rin nila yun...ahahahaha...

sa middle east pa??? matindi talaga ang discrimination jan..

pero mas kawawa ang mga lahing indiano at pakistano kasi nagegeneralized na mga manyak sila, though majority talaga sa kanila ang manyak...

anyway, hinay hinay lang sa lotion at baka kuminis na ng todo yan...

..yang balat mo!

RJ said...

@gillboard: batas arabong mabaho.

@pokwang: naisip ko na nga rin yan, magdadamit babae ako. hehehe. "sumama ka sakin, papapasukin kita sa loob". sagwa.

@panaderos: natumbok mo pards. eh yung balak mong gusto mong magkasyota eh.... natumbok mo rin. hahaha. =D

@jeck: wala pa naman akong nabalitaang nareyp na lalaki dito, mga kwento ng mga galing saudi meron.

sa japan naman, meron talaga silang allocated na family day dahil puro workaholics talaga sila. pasok ng 8am uwi ng 11pm.

@azul: jojowain ko para lang sa lotion ko? hehehe.

@gasti: malamig na kasi ang panahon dito kaya dapat ang lotion para hindi magdry ang balat. sa summer, sunblock naman. yun yon. hehehe.

pag friday lang naman yun batas na yun. so pwede sila pumunta ng ibang araw wag lang friday.

@aling baby: ang ginagawa ko na lang ay thursday night ako pumupunta. kaso nakakauwi na ko ng madaling araw na. alang alang sa lotion. hehehe. =D

@lyzius: kung sabagay ako rin kasi ayokong makakakita ng mga pakistani at indiano sa loob ng mall. yung iba kasi parang mga taong bundok talaga dumudura pa sa loob ng mall. pero sana man lang payagan na ang mga pinoy para masaya. hehehe.

Krisha said...

grabe naman yang batas na yan.. pano kung wala kang kilala at kailangan mo na talaga ng lotion?? :(( waaaaaah hahahaha

UtakMunggo said...

amp. talagang tinadtad ng lotion ang post ha.

katigangan!!

parekoy, akala ko isang mythology lang yang families only. totoo pala.

eh pano naman kung mag-ama lang or mag-ina lang? ok ba yon? family rin naman yun diba?

pautos ka nalang ng lotion sa mga mas mapalad na may-partner na kasamahan mo.

The Gasoline Dude™ said...

Insan, mukhang nag-downgrade ka ata ah. Akala ko ba Petroleum Jelly ang ginagamit mo? Nyahahaha! = P

Anonymous said...

what's with the lotion? hindi ko maintindihan...

amft! bwahahaha!

RJ said...

@krisha: wala nang kakilala, wala pang lotion. such a loser. hehehe. salamat sa pagdaan. =D

@marekoy: mag-aapat na buwan na kasi ako dito kaya natural lang na lumalabas na ang symptoms ng katigangan. hahaha!

kapag mag-ina, ok lang yon dahil may babae namang kasama. kung mag-ama or mag-tiyo, kailangan mo pa ng patunay. parang yung ginawa namin ng tito ko, buti pareho kami ng apelyido. hehehe.

@insan GD: may nasabi ba kong petroleum jelly gamit ko? yoko nun malagkit. hehehe.

@echo: try mo pre, masarap. sa balat. hehehe.

ysrael said...

Ingat ka lang parati dyan bro,
Happy valentine too!

rolly said...

magbihis babae ka at sumama sa isang kababayang lalake. Wag lang sanang may magkagustong arabyano sayo pag nag=iisa ka na lang. hehe

RJ said...

salamat sa pagdaan ysrael!

@tito rolly: baka matira pa ko sa pwet. wag na lang. hahaha!