Friday, August 15, 2008

oh girl!

is there anybody going to listen to my story, all about a girl who came to stay?

matapos ang ilang buwan na hindi ako patulugin sa curiosity ng pangalawa kong kuting na mahiyain, confirmed! it’s a baby girl! kumpleto na ang barkada ko, meron na kaming magiging daboy and dagirl!


kanina ay ang pangatlong scheduled checkup (20th week) ni tabachoinkchoink ko sa doktor at sinilip ulit ang dalawa sa loob ng tiyan para tignan kung okey lang ba ang buhay buhay nila sa looban. sumama si daddy at mommy ko para may special participation ang mga lolo’t lola na excited na rin sa kanilang unang apo.

mas malaki daw talaga si dagirl and she weighs around 0.344gms samantalang ang kapatid naman nya ay mas mababa ng kaunti ang weight division, 0.300gms si daboy.

pasag daw ng pasag at mas aggressive si big sister. huling huli pa nga ng 'bitag extreme' ang kolokoy na hine-headbutt ang kanyang mahal na kapatid. hindi na ako magtataka kung paglabas nila eh makita kong may bukol, pasa at kalmot itong si daboy. hehehe.

nauna na namin nalaman na boy ang isa sa kanila, kaya hiling talaga namin na sana girl naman yung isa. although gusto ko magkaroon ng baby boy dahil masarap itong makalaro ng mga larong pang-barako, i think one is enough. masarap din magkaroon ng baby girl dahil masarap silang maglambing at magpacute. gustu ko din magkaroon kami ng isang daddy’s girl.

ngayong confirmed na ang identity ng dalawa, makakapag-isip na rin kami ng malinaw sa wakas tungkol sa ibibigay naming pangalan sa kanila. mahirap din pala magpangalan lalo kapag hindi mo pa alam kung boy-boy or boy-girl ang magiging anak mo. dapat kasi maging bagay o angkop ang itatawag sa kanila. kumbaga, dapat relevant at may meaning kahit papano ang maging pangalan nila, hindi iyong kahit ano na lang na mapagtripan. baka sa future eh mabasa ng mga anak ko ang pangalan nila sa mga listahan ni coldman. inangkupo! hehehe.

salamat po.

61 comments:

prinsesa000 said...

mag pacontest ka na lang tapos mag suggest kami ng mga the best na names para sa daboy and dagirl mo! tapos ang mananalo may premyo! im sure matutuwa ka sa mga isasuggest sau na names hahaha...

pangarap ko rin yan if ever isang girl isang boy tapos enough na! kumpleto na ang barkada!

Maru said...

grabe! ako ang nai-excite sau. congrats ulit!

tsaka tama na yan. kumpleto na talaga kayo. asahan mo na mamumulubi ka muna ng mga ilang taon ng dahil sa gatas at diapers, tsong!

pre' pramis, masaya talaga ako para sau!

UtakMunggo said...

congrats parekoy! nagdilang anghel yata ako ah. hehe
mr. brad pitt ka na rin.
God bless your family, parekoy.
:D

RJ said...

prinsesa,

naisip ko na rin yang magtanong tanong sa inyo kung ano magandang names nila, kaso ayoko ng nagrereject ng suggestions kaya di ko na tinuloy. hehehe.

tama na siguro ito dahil sa hirap ng buhay ngayon, pero malay natin baka mangalabit ako ulit. hahaha! =D

RJ said...

maru,

salamat salamat! ramdam ko rin ang iyong pananabik sa paglabas nila. lahat naman tayo nananabik. hehehe.

wag ka mag-alala, dahil sa dami ng nagpiprisintang ninong at ninang, ididistribute ko na sa kanila ang expenses sa gatas at diapers para sa buong taon. kaysa isang bagsakan sa pasko. hahaha! ginawang business! =D

RJ said...

utak munggo,

salamat mare, talagang dilang anghel ka nga. sinabi mo ba namang brad pitt ako eh (teka, ibig mo bang sabihin don eh kamuka ko si brad pitt ha?) hahaha! =D

sarap siguro tignan nila daboy at dagirl na nakikipaglaro kay bru! =D

The Gasoline Dude™ said...

Ang saya ng Pasko mo, Chong! Awoo Awoo! Sabihin mo kay 'Insan-in-Law' eh mag-ingat siya. Isasama ko na din ang mga Kutings sa aking mga dasal. Hep Hep! = P

RJ said...

insan GD,

salamat pare. wag mu muna ipaalala ang pasko dahil dito ako magpapasko at bagong taon sa qatar. huhuhu.

naaawa na nga ako kay bachoinkchoink na dahil ambigat na ng tiyan na tapos wala ako don para matulungan sya. haaaay buhay buhay.

The Gasoline Dude™ said...

Ah ganun? Akala ko ba dati sabi mo makakauwi ka ng Pinas sa Pasko? Wala ka bang Paternity Leave?

Hayaan mo, magkikita kita din naman kayo ng mga Kutings mo sa tamang panahon. Shyet! Baka maluha ka na lang bigla! Ahuhuhu.

RJ said...

insan GD,

sakto lang ang vacation leave ko paglabas nila sa darating na november, pero 3 weeks lang kaya mid-december babalik na ko ulit dito. sa sunod na balik ko, malaki laki na ng konti ang barkada ko.

"pasko na.. sinta kuu, hanap hanap kitaaa.."

Panaderos said...

Hanep! Congrats, Pards! Para ka palang accountant. Balanse ang libro mo. Hehehe

Oks na pala. Kumpleto na. A boy and a girl. This is great news, Pards!

Anonymous said...

congrats rj!
malapit na!
nga pala, i have a special tag for you.
an erotica tag!
galingan mo ha!

Anonymous said...

nakakatuwa naman. boy and girl. napaka-ideal. congrats!

Gracey said...

congratz kabranggay! :)
may daboy and the dagirl ka na!

RJ said...

panaderos,

great news indeed pare! sobrang kabado nga ako kahapon dahil di ko alam kung ano ang iimaginin ko, pareho bang boy or tig-isa. relieved na ko at confirmed na. intay na lang sa paglabas. hehehe. salamat. =D

RJ said...

prinsesa musang,

hmmm. mukhang mahirap ang tag mo ah, pero mayaman naman ako sa imagination tungkol diyan kaya pagiisipan kong mabuti. hintay ka lang, it may take a few weeks bago ako makabuo. hahaha! salamat! =D

RJ said...

watusiboy,

ideal na sana ang lahat, kaso may kulang pa rin. di ko maalalayan at matulungan ang asawa ko sa mahirap nyang pagbubuntis. feeling ko wala akong silbe at napaka-helpless.

RJ said...

salamat winkii,

isasama ko ang mga ito sa mga ginebra games. hehehe. =D

chroneicon said...

congress parekoy!

konting tiis lang pare. alam mo namang para sa kanilang tatlo ang ginagawa mong pagpapaitim diyan.

suggestion lang, gawin mong junior si daboy. para mdali lang, RJJR. hehe

Anonymous said...

hehe..takte...natawa ako dun kay coldman..tagal nang post pero swak saken...
okay naman ang starboy bob ah? lol.


p.s.
matagal ako sumagot ng tag..
but at least, sinasagutan ko naman..bwahahah!

Anonymous said...

i have something for you in my blog.

Panaderos said...

Gawa ko na iyong tag mo, Pards. Paki-check na lang ang blog ko kung pasado. Naks! :D

Dakilang Islander said...

ayus....isang gawa lang kompleto na agad ang pamilya! heheh di ba dapat mag ka rhyme ang pangalan pagkambal...parang naka excite din mamili ng pangalan ano

Anonymous said...

goodluck!

RJ said...

chrone,

madami na ngang nalilito sa pangalan ko eh, madalas akong matawag na JR kaya ayoko nang sundan pa ng isa pang JR. hehehe.

salamat parekoy! =D

RJ said...

gagitos,

starboy and stargirl? baka idemanda ako ng mga anak ko paglaki nila. hehehe.

sige lang take your time. salamat! =D

RJ said...

prinsesa musang,

salamat salamat! =D

RJ said...

panaderos,

salamat pards. tinatanong mo ko kung pasado? ikaw pa, babagsak?! hindi yata. hahaha!

RJ said...

islander,

parang lucky me instant bulalo noodles, just add hot water. may noodles ka na, may bulalo ka pa. hehehe.

nakakaexcite din na mahirap mamili ng pangalan. kahit hindi naman siguro magka-rhyme dahil hindi naman identical twins. iniisip ko na jaja and boomboom. hahaha joke lang. =D

RJ said...

mclifeinrandom,

thank you!

rolly said...

I've always wondered how it is having a twin. Sarap siguro at me ka-share ka parati and the bonding is really great! I can see how excited you are to see your babies. Konting panahon na lang yan.

Dakilang Tambay said...

congrats sayo. magkakaroon na ng baby. so excited talaga. hahaha

Anonymous said...

congrats sa iyong mga fraternal twins!! hahaha ang saya niyan two in one! goodluck sa pagpapangalan sa inyong mga baby ng iyong bachoinkchoink... wag mo na lag masyadong kahabaan at baka hindi magkasya sa papel pag nagsusulat na sila! hekek :-)congrats ulit!

Anonymous said...

basta ipangako mong maganda pangalan nila para di makasama sa mga listahan ko. lol!

RJ said...

tito rolly,

oo nga konti na lang at ber months na, sobrang excited na nga kami lalo kapag ibinabalita sa akin na galawan na sila ng galawan sa loob. hehehe.

RJ said...

thanks mia!

double the excitement, double the fun. hehehe double the cost too!

RJ said...

neurotic sister,

salamat. ang hirap pala magpangalan kapag sariling anak mo na ang bibigyan mo. akala ko ganun ganun lang. buti pa sa aso madali magisip. hehehe

RJ said...

coldman,

kapag may naiisip nga ako, binabalik balikan ko lagi yung listahan mo. hahaha! =D

neens said...

Naalala ko tuloy when I was carrying my twins. Si baby "b", napakalikot! I remember a few nights where she would kick my ribs! It would wake me jump up from my bed.

Congratulations tatang! A boy and a girl. How perfect! You get to have a taste of both worlds...

I'm so happy for you and your family.

RJ said...
This comment has been removed by the author.
RJ said...

thank you neens!

alam mo bang kaka-text lang sakin ni bachoinkchoink kanina na tahimik ang kambal kanina, tapos sinubukan nyang mag-ingay. hayun at naglulumikot na naman daw at may dumudukdok na raw sa ribs nya. hahaha!

nagpa-praktis na nga akong mag-arimunding munding munding munding eh.

Roland said...

suggestion po... DYOSA ang ibigay mong name, hahaha.

RJ said...

roland,

hindi kaya ako DYOMBAGIN ng anak ko? hahaha! =D

lethalverses said...

yahooooooooo!!!!!!!!!

what more can you ask for??

feeling ko ninong ako kasi naeexcite ako everytime may ganitong update ka sa anak niyo ni tabachoinkchoink...

oo nga, pacontest ka kaya ng magiging names ng twins mo?

Anonymous said...

salaammalaykum! keif halek?
nah! don't answer that question, coz for sure, you're one happy future dad. it's been a while since i visited your blog and i am so excited to read this post. twins!!! and fraternal for that!!! ang saya!!!
this is a dream for me, if ever i'll conceived in not so far future, i hope it will be twins... para isang hirap na lang. kahit pa doble gastos! :D
CONGRATS & GOD bless future Dad!
I'll always pray for your wife and babies safety.

princess_dyanie said...

congratz!!! konti nalang at mahahagkan mo na sila!!! how exciting! :)

Anonymous said...

waw congrats...

RJ said...

lethalverses,

oo ba, magtatayo ng ng godparents union dito sa blogosphere, at isa ka sa mga pioneer dahil isa ka sa mga kauna-unahan kong naging friendly friends dito. teka bat parang naging dramatic ang reply ko dito. hahahaha!

RJ said...

shayleigh,

ano yung tanong mo? akala ko kung gusto ko ng halek. ahehehe.

antagal mong nawala ah! where you've been? sobrang excited na nga, gusto ko nang makipaglaro sa kanila. malamang sa sunod na uwi ko pa mangyayari yun.

yun ang gusto ng karamihan, ang magdala ng twins. pero doble daw ang hirap ng paglilihi. si bachoinkchoink ko, sumumpang hinding hindi na uulit. pero walang sumpang matino, sa lalaking makulit mangalabit. ahehehe.

thank you thank you sa inyong prayers. =D

RJ said...

princess dyanie,

konti na lang, kaya nga subsob sa trabaho na lang para malibang at hindi masyadong maatat. hehehe.

salamat! =D

RJ said...

taps,

waw haba. hahaha! salamat! =D

UtakMunggo said...

busy ang lolo? hehe..

sige kayod lang dahil mawawala naman lahat ng pagod kapag nakita mo na ang dynamic duo at ang choinkchoink mo.

:D

RJ said...

mare,

oo sobrang busy ngayon. ayos din naman at mabilis ang oras para hindi nakakainip. kita mo nga naman at next week ay september na agad. wowow! hehehe. =D

Anonymous said...

congratulations! boy and girl na agad!

RJ said...

thanks mari! =D

lethalverses said...

huwaw! naiyak ako dun "isa sa mga kauna-unahang friendly friends dito"...

isang karangalan ang maging kaibigan ng isang ardyey... na bagamat hindi nga kaputian ay umaapaw naman sa talino't kakisigan.



*bardyer! bardyer!*

lei said...

wow! kakatuwa naman..

congrats!

RJ said...

LV,

oo ba, samahan mo pa ng sopdrinks. hahaha! =D

salamat ng madami sa inyo! =D

RJ said...

salamat mommy lei! =D

Anonymous said...

very expressive... congratulations and enjoy God's gift to both of you...

RJ said...

thanks mikky,

they're God's gift indeed. =D