ngayon ang aming 4th year anniversary ni bachoinkchoink. ibig sabihin, apat na taon na mula noong nagumpisa kaming maglaro ng taguan-reyp (pag hindi mo ko nakita, nasa likod lang ako ng piano ha?).
ang bilis ng panahon. bago pa lang ako sa unang pinasukan kong kumpanya sa makati nang mamataan ko ang maputi, singkit, chubby, 5-footer at kyut na kyut na babaeng pumukaw ng aking pansin. araw araw pakiramdam ko ay para pa rin akong highschool na kinikilig dahil minsan nakakasabay ko siya sa mrt papasok at papauwi, sinusulyap sulyapan sa opisina at nagiisip ng paraan kung papaano mapapansin. siya ang aking excitement kaya ako sinisipag pumasok sa opisina, para lumandi.

naging close lang kami noong maging magkagrupo kami sa gagawin naming presentation para sa christmas party. batas kasi sa kumpanya namin na ang mga baguhan ng taon na yon ay siyang magpeperform ng number sa party. inshort, kami ang magbibigay kasiyahan habang ang mga seniors ay naglalasingan na. demmet. nagbunga naman ang pinaggagawa namin dahil kami ang nakakuha ng 1st prize noon. kaming dalawa kasi ni bachoinkchoink ang front runner ng grupo.
nakaka/
kiliti remix kasi ang sinayaw namin. nagbihis nino mulach na action star siya, britney spears naman ako. alang-alang sa pogi points.
nagtapat ako sa kanya noong pasko 2004. hinanap ko magisa ang bahay nila sa bulacan sa tulong ng pinadrowing kong mapa na magulo sa kaibigan nya. nagdala ako ng flowers at pizza (na kinulang dahil andami pala nilang nakatira doon). wag daw muna akong umasa dahil magulo pa ang isip nya. in-short, umuwi ako sa aming luhaan.
pumasok ang bagong taon 2005 pero ganon pa rin naman kami. parang wala lang nangyari. pero sabay pa rin kami umuuwi, kumakain paminsan minsan at nagkukwentuhan habang nagtatrabaho. kaya sa tingin ko ay hindi naman talaga ako binasted. siyempre pangit naman kung oo agad ang sagot nya, kaya naiintindihan ko siya kung magpakipot muna ng kaunti. ahohohoy! ang tibay!
pero sa isang relasyon, hindi mo mawawari at mapre-predict kung kailan ang moment na sasagutin ka na ng dinidigahan mo. laging biglaan. sa case ko, sumakay lang kami ng mrt sa ayala station. pagdating ng shaw, magkahawak na ang kamay namin hanggang makarating ng north avenue. naging kami na. wala nang usap usap dahil parang nakasinghot ng katol ang pakiramdam. ngiting adik.
at kahit magkalayo kami sa araw na ito, siya ang palagi kong nasa isip. tuwing nakikita ko siya o tinitignan ko ang pictures namin, naiisip kong crush ko pa rin sita tulad nung una kaming magkita. kaya nga paborito kong kantahin ang
suntok sa buwan.
maganda kong asawa, alam kong madami akong shortcomings to you. babawi na lang ako sayo paguwi ko, and that's 3 and a half months from now. maglalaro pa rin tayo ng taguan-reyp. aylabyusomats. tsup.